Home Headlines 3 patay sa lambanog

3 patay sa lambanog

385
0
SHARE

PANDI, Bulacan – Patay ang tatlo katao matapos uminom ng lambanog nitong Linggo sa Barangay Gulod dito.

Nakilala ang mga namatay na sina Jerry Tumbaga, 50, at Rodrigo Beltran, 56, at ang nabilhan ng lambanog na si Armado Pineda, 61.

Ayon kay Selma Tumbaga, asawa ni Jerry, Linggo nang magkayayaan ang magbalae na sina Jerry at Rodrigo na uminom ng lambanog.

Kinabukasan ay nakaramdam ng pananakit ng dibdib ang asawa at panlalabo ng mga mata.

Akala nila noong una ay hang-over lamang ito, ngunit lumalala ang kundisyon ng asawa kung kayat isinugod nila ito sa ospital.

Nalaman nila na ganon din ang naramdaman ni Rodrigo bago namatay at malaunan ay namatay na din si Jerry.

Balak sana nilang ireklamo ang binilhan ng lambanog na si Pineda ngunit namatay din kalaunan matapos ding uminom ng lambanog at patunayan sanang hindi dito nagmula ang dahilan ng pagkakalason.

Ang iba aniyang kasama nila Jerry na nakainom ng lambanog ay nakaranas din ng panghihina at panlalabo ng paningin ngunit uminom ang mga ito ng beer upang matalo ang lambanog sa loob ng katawan.

Sa kasalukuyan ay kinuha ng kapulisan ang pinaglagyan ng lambanog upang ipasuri sa Provincial Crime Laboratory.

Nagsasagawa na rin ng sariling imbestigasyon ang Pandi Municipal Health Office sa insidente.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here