Home Headlines 3 magpipinsan na wanted sa kasong rape arestado

3 magpipinsan na wanted sa kasong rape arestado

811
0
SHARE

IBA, Zambales — Dinakip ng pinagsanib na tauhan ng Masinloc Municipal Police
Station, Zambales Provincial Intelligence Unit, at CIDG-Alaminos. Pangasinan ang
tatlong magpipinsan na may kasong rape sa lalawigan ng Pangasinan.

Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Zambales police director Col. Fitz A.
Macariola, kinilala ang mga suspek na sina John Carlo Ingalang y Trigo, 19;
Jhumeldy Trigo y Sabado, 18, at isang 17-anyos na pinsan nila, pawang mga
residente ng Luciente 1st, Bolinao, Pangasinan.

Ang mga suspek ay dinakip sa Barangay Inhobol, Masinloc, Zambales noong
Linggo sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Judge Marlon Soriano Meneses
ng RTC Branch 55, Alaminos Pangasinan sa salang panggagahasa.

Ayon sa ulat ng Masinloc MPS, ang tatlong magpipinsan ay akusado sa pangre-
rape sa isang menor de edad na nangyari sa bayan ng Bolinao, Pangasinan may
ilang buwan ng nakakaraan.

Ang mga suspek ay may kaukulang piyansa na P200,000 bawat isa para sa
kanilang pansamantalang kalayaan.

Na-turn over na  sa CIDG-Alaminos Pangasinan ang mga suspek.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here