Home Headlines 26th Halamanan Festival ipinagdiriwang

26th Halamanan Festival ipinagdiriwang

1063
0
SHARE
Ang parade at street dancing na isa sa inaabangang bahagi ng taunang Halaman Festival. Kuha ni Rommel Ramos

GUIGUINTO, Bulacan — Ipinagdiriwang ngayon ang ika-26 taon ng Halamanan Festival sa tinaguriang “Halaman Capital” ng lalawigan.  

Bilang bahagi ng taunang festival ay ginawa ang street dancing and parades sa mga pangunahing lansangan.

May mga floats at mga nagsisipagsayaw na may makukulay na kasuotan na tila lumalarawan sa mga halaman at bulaklak dito.

Kilalala at dinarayo ang bayan ng Guiguinto dahil sa pagbebenta ng mga ibat-ibang uri ng halaman at bulaklak.

Ayon kay Bulacan 5th District Rep. Ambrosio Cruz Jr., ang festival ay isang paraan upang makahikayat ng mga turista o parokyano upang lalo pang umusbong ang industriya ng paghahalaman.

Itinanghal na rin aniya ang Halamanan Festival bilang isa sa mga pangunahing festival sa buong Bulacan.

Malaki din ang naging kontribusyon nito sa industriya ng halaman dahil lumaki ang bilang ng mga mamimili at maging ang mga negosyante ng paghahalaman.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here