2 sundalo sugatan sa engkwentro

    490
    0
    SHARE

    PALAUIG, Zambales – Sugatan ang dalawang sundalo nang makasagupa ng mga ito ang may 20 bilang ng mga rebelde sa Sitio Dampay, Barangay Salaza sa bayang ito kamakalawa.

    Kinilala ang mga biktimang sina PFC Romeo Panes at PFC Joven Banez, pawang nakatalaga sa 24th Infantry Battalion ng Philippine Army.

    Ayon sa ulat, nagsasagawa ng clearing operation ang team na pinamunuan ni 1st Lt. Alfie Alonzo sa natagpuang kampo ng mga rebelde nang paulanan sila ng bala.

    Inaalam pa ng militar kung ilan ang bilang ng mga sugatan at nasawing rebelde sa naganap na labanan na tumagal ng 10 minuto.

    Narekober sa pinangyarihan ng engkwentro ang may 10 basyo ng M-16 riffle, bonnet, pamphlet at reflectorized ribbon na siyang ginagamit ng mga rebelde bilang counter signs.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here