2 pusher timbog sa drug bust

    417
    0
    SHARE

    SUBIC, Zambales – Dalawang drug pushers ang dinakip ng pulisya sa magkasunod ng drug operation sa Barangay Calapacuan sa bayang ito kamakalawa.

    Sa ulat na ipinadala ni Chief Inspector Arnel Dial, hepe ng Subic Police  Station, kay Senior Supt. Francisco Santiago Jr., Zambales Poice Provincial Office director, kinilala ang mga suspek na sina Jocelyn Condrillon, 36, at residente  ng Sitio Tahimik at Virgilio Caberte alyas “Bong 14K,” 48, at residente ng Bacero St., Purok 6-A, pawang sa nasabing barangay.

    Si Condrillon ay dinakip sa buy bust operation ng bentahan nito ng shabu ang isang police poseur buyer sa halagang P500.

    Nakuha sa pag-iingat nito ang sachet ng shabu at marijuana, marked money at drug paraphernalia.

    Si Caberte ay dinakip ng pulisya nang salakayin ito sa bisa ng search warrant na ipinalabas ni Olongapo City Judge Richard Paradeza ng RTC, Branch 72.

    Nakuha sa pag-iingat ng suspek ang may 17 plastic sachet ng shabu at iba’t-ibang drug paraphernalia.

    Si Condrillon ay nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5, 11 at 12 Article ll ng RA 9165, samantalang si Caberte ay Section 11 at 12, Article ll ng RA 9165.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here