Home Headlines 2 OFW bagong kaso ng Covid sa Bataan

2 OFW bagong kaso ng Covid sa Bataan

685
0
SHARE

LUNGSOD NG BALANGA — Umakyat sa 184 ang nagpositibo sa coronavirus disease matapos ang dalawa pang bagong pasyenteng nadagdag na parehong overseas Filipino worker, batay sa abiso ni Gov. Albert Garcia ngayong Sabado.

Ang mga apektadong OFW na nadagdag sa listahan ng mga kumpirmadong kaso ng Covid-19 ay 28-anyos mula sa Bagac at 35-anyos mula naman sa Mariveles.

Sa kabuuan, sabi ni PHO chief Dr. Rosanna Buccahan, 154 na ang bilang ng nakarekober matapos gumaling sa mapanganib na sakit ang isang 27-anyos na babae mula sa Orani.

Pumalo, aniya, sa 20 ang aktibong kaso ng Covid-19 sa Bataan at nananatiling 10 ang pumanaw na.

Nasa 123 ang naghihintay ng resulta ng laboratory test samantalang 3,767, kabilang ang bagong 219, na ang idineklarang negatibo sa virus.

Sinabi ni Buccahan na mula noong ika-31 ng Enero hanggang sa kasalukuyan ay 4,074 na ang natest sa lalawigan.

Upang hindi na dumami ang kaso ng Covid-19 sa ating lalawigan, patuloy ang ating tagubilin na palaging maghugas ng kamay, manatili sa inyong mga tahanan at kung kinakailangang lumabas ng bahay ay umiwas sa mga mataong lugar, magsuot ng facemask at mag observe ng physical distancing na isang metro,” sabi ni Buccahan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here