Home Headlines 2 huli, P374-K shabu nakumpiska

2 huli, P374-K shabu nakumpiska

538
0
SHARE

BALANGA CITY — Iniulat ng Bataan Police Provincial Office nitong July 1 na dalawang hinihinalang drug peddler ang naaresto at nakunan ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P374,000 sa Barangay Colo sa bayan ng Dinalupihan.

Sinabi ni Col. Palmer Tria, Bataan police director, na nahuli ang dalawa at nakumpiska ang 55 gramo ng shabu sa isang buy-bust operation na isinagawa ng Dinalupihan police sa pangunguna ni police chief Lt. Col. Joel Aparejado. 

Ang mga suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002). 

Pinapurihan ni Tria ang Dinalupihan police. (30)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here