2 delegado sa Subic confab ninakawan

    428
    0
    SHARE

    SUBIC BAY FREEPORT — Dalawang delegado mula sa Clark Freeport  Zone ang ninanakawan ng mga personal na kagamitan sa loob mismo ng Subic Bay Exhibition and Convention Center kung saan ginaganap ang dalawang araw na Subic Bay Maritime Conference and Exhibit.

    Kinilala ang mga biktimang sina Mary Ann Magat, logistic officer a Regina Castillo, manager ng Vikase Asia Pacific, isang locator sa Clark Freeport Zone.

    Si Magat ay nawalan ng net book, cellphone at P18,000 na pambayad sa kanilang hotel sa loob ng dalawang araw na pananatili sa Subic.

    Nawalan din ng laptop si Castillo matapos tangayin ng kawatan ang kanyang backpack.

    Labis na ikinalulungkot ng mga biktima dahil sa walang naka-install na CCTV camera sa lugar.

    Ayon sa mga biktima kumain lang saglit at iniwan ang kanilang kagamitan sa kanilang mesa sa pag-aakalang “secured” ang SBMA sa ganitong pagpupulong, subalit pagbalik sa kanilang mesa naglahong parang bula ang kanilang mga kagamitan.

    Ani Magat dapat naging handa ang SBMA sa ganitong pagtitipon.

    Dahil sa pangyayaring ito isinisisi naman ng event organizer na si Liza Almonte  sa mga biktima sa pagsasabing “responsibilidad ng bawat delegado na pangalagaan ang kanilang mga personal na kagamitan”.

    Batay sa inisyal na imbestigasyon ng SBMA Intelligence and Investigation Office, huling nakita sa lugar ang ilang tauhan umano ng SBMA Tourism at ilang waiter na nagpapalit ng table cloth bago naganap ang nakawan.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here