2 carjackers patay sa shoot-out

    210
    0
    SHARE

    PLARIDEL, Bulacan— Patay ang dalawang carjackers matapos makipagpalitan ng putok sa mga operatiba ng Plaridel Philippine National Police sa Barangay Banga 1st ng bayang ito noong Miyerkules ng gabi..

    Dead on the spot ang dalawang hindi pa nakikilalang mga suspek na tinatayang nasa edad 18 hanggang 25 anyos.

    Ayon  kay Supt. Allen Bantolo ng Bulacan Provincial Police Office, banding alas-9 y media ng gabi nang makatanggap sila ng ulat na may nakacarjack na isang Suzuki Motorcycle na may plakang 8008 CC sa Barangay Sto. Nino kaya sila ay rumesponde.

    Nakuha mula sa mga suspek ang dalawang kalibre .38 baril samantalang nagtamo naman ng isang tama ng bala ang windshield ng Plaridel patrol car at isa pa sa pintuan nito sa driver side.

    Sa kahabaan ng naturang shoot-out ay isa pang kasama ng mga napatay na suspek ang tinugis ng kapulisan at kanilang naaktuhang pumasok sa isang safehouse sa Barangay Sto. Cristo, Pulilan, kung saan naman nadiskubre pa ang tatlong kahina-hinalang mga motorsiklo.
    Ang nahuli namang suspek na alyas Bobby na umanoy caretaker ng RoseTik beer garden sa Pulilan ay kasalukuyang iniimbestigahan sa Plaridel PNP, at isa na sa tatlong motorsiklong nakumpiska mula sa kanya ang kumpirmadong nakaw.

    Samantalang positibo namang kinilala ng biktimang si Renato Salonga ng Sto. Nino Plaridel na kanya nga ang motorsiklong dala-dala ng dalawang napatay na mga suspek.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here