Home Headlines 2 bata patay sa sunog

2 bata patay sa sunog

592
0
SHARE

OLONAPO CITY – Patay ang dalawang batang edad 14-anyos na babae at 10-anyos na lalaki nang tupukin ang kanilang bahay ng sunog na naganap sa Abra Street Extention, Barangay Barretto sa lungsod na ito.

Batay sa imbestigasyon ng pamatay sunog, dakong alas-12 ng madaling araw nang magsimula ang sunog habang nasa kasarapan ng tulog ang dalawang biktima.

Nabatid pa na wala sa bahay ang mga kapatid at magulang ng nga biktima.

Ang sunog na katawan ng mga biktima ay natagpuan na magkatabi sa higaan na posibleng na-suff focate sa usok kung kaya di na nila nagawa pang makalabas ng bahay.

Sa pagsisiyasat, hinihinalang sa kuryente ang pinagmulan ng apoy.

Batay sa tala ng pamatay sunog ito na ang pangatlong sunog na naganap sa lungsod ngayong buwan ng Nobyembre na pawang ang mga biktima ay patay.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here