Home Headlines 19 nasaktan sa fireworks explosion

19 nasaktan sa fireworks explosion

417
0
SHARE
Ang pamilya Saligumba na bukod sa walang natira sa kabahayan dahil sa sunog ay ilang miyembro pa ang nasugatan dahil sa natamong paso mula sa mga paputok. Kuha ni Rommel Ramos

BOCAUE, Bulacan — Kabuuang 19 ang naitalang nasaktan habang 42 pamilya naman ang naapektuhan sa pagsabog ng isang fireworks warehouse sa Barangay Bunducan dito madaling araw ng June 15.

Ayon sa ulat ng municipal disaster risk reduction management office, 19 ang nagtamo ng mga minor injuries at wala namang naiulat na namatay.

Apat sa mga sugatan ang sinugod sa Mayor Joni Hospital sa Bocaue para sa medical treatments dahil sa minor wounds.

Labing-anim na kabahayan ang totally damaged habang 26 naman ang partially damaged sa kabuuang 42 pamilya na naapektuhan ng sunog.

Ayon pa sa ulat, bandang 2:10 a.m. nagsimula ang sunog na umakyat sa 2nd Alarm level at dineklarang fire-out pasado alas-5 ng umaga.

Kinilala naman ng pulisya ng Bocaue ang may-ari ng mga nasunog na paputok na si Nita Ofracio na legitimate owner ng isang fireworks store sa Bocaue.

Sa kasalukuyan ay patuloy pa ang imbestigasyon ng Bocaue fire marshall sa pinagmulan ng sunog at kabuuang halaga ng mga ari-arian na natupok sa nasabing sunog.

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here