Home Headlines 14 flights sa CRK apektado ng airspace shutdown

14 flights sa CRK apektado ng airspace shutdown

566
0
SHARE
Ang ilang pasahero sa departure area ng CRK. Kuha ni Rommel Ramos

CLARK INTERNATIONAL AIRPORT – Kabuuang 14 na international at domestic flights dito ang maapektuhan ng airspace shutdown sa May 17 dahil sa scheduled corrective maintenance ng Civil Aviation Authority of the Philippines para sa Air Traffic Management System ng bansa.

Ayon kay Teri Flores, LIPAD corporate communications division chief, pitong international arrival flights at apat na departure flights habang isang domestic arrival at dalawang domestic departure flights ang maapektuhan sa loob ng anim na oras ng nakatakdang airspace shutdown.

Ang mga flights na apektado ay

Philippine Airlines: Incheon-Clark-Incheon

Jin Air: Incheon-Clark-Incheon

Fly Gangwon: Yangyang-Clark-Yangyang

Jeju Air: Incheon-Clark-Incheon

Cebu Pacific: Hongkong-Clark-Hongkong 

Cebu Pacific: Clark-General Santos

Cebu Pacific: Davao-Clark 

Cebu Pacific: Taipei-Clark 

Cebu Pacific: Bangkok-Clark-Bangkok

Gayunpaman, ani Flores, ay wala namang magaganap na cancelation ng nasabing mga flights kaya’t nagkaroon na sila ng coordination sa mga airline company para sa pag-aadjust ng mga oras ng paglapag at paglipad sa CRK.

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here