HAGONOY, Bulacan—Labing-apat na mangigisda ang inaresto ng magkasanib napuwersa ng pulisya at militar sa baybayin ng bayang ito noong Huwebes ng umaga dahil sa paggamit ng dinamita sa panghuhuli ng mga isda sa Manila Bay.
Ang mga suspek ay nakilalang sina Edgardo Caballer, 32; Rolly Menterola, 29; Jaime Salut, 30; Fernando Caballero, 46; Bobby Andoyo, 30; Edwin Caballero, 39; Joey Castillo, 32; Edwin De Lima, 27; Zosimo Dacalyos, 36; Artemio Lapore, 45; Fernando Penaranda, 39; Christopher Nungay, 33; at Darwin De Lima, 29 na pawang residente ng Barangay Sipac, Pitong Gatang, Navotas City.
Ayon kay Supt. Myrna Reyes, hepe ng pulisya sa bayang ito, ang mga suspek ay nadakip bandang alas 9 ng umaga noong Huwebes sa baybayin ng Brgy. Tibaguin sa bayang ito na nasasakop ng Manila Bay kung saan ay halos isang oras din nilang hinabol ang mga ito habang sakay ng dalawang bangka.
Sinabi ni Reyes, na unang namataan nila ang grupo may 400 metro ang layo sa dalampasigan ng Barangay Tibaguin, ngunit agad na sumibad ang mga ito ng sila ay makita at itinapon sa karagatan ang mga isda at mga dinamitang gamit sa pangingisda.
“Matagal ng inirereklamo sa amin ng mga residente ng Barangay Tibaguin ang mga mga iyan,” ani Reyes patungkol sa mga suspek at iginiit na 19 na grupo pa ng mangingisdang gumagamit ang kanilang tinutugaygayan sa paligid ng Manila Bay.
Sinabi ni Reyes na nakaalarma ang talamak na paggamit ng dinamita sa pangingisda sa Manila Bay kaya’t maging ang mga lemon headed whales na dumaong sa baybayin ng Bataan noong nakaraaang linggo ay naaapektuhan nito.
Nakumpiska ng pulisya at mga sundalong pinamumunuan ni 1Lt. Almirante Mijares ng Philippine Army ang dalawang bangkang pangisda na may pangalang “Reizell Antonette” at “Hermana” na pag-aari nina Fernando Caballero at Artemio Lapore; maging dalawang improvised dynamite, at ilang piraso ng isda.
Bukod sa mga ito, nakumpiska rin ng pulisya ang dalawang electronic fish-finder na nakakabit sa dalawang bangka.
Ang electronic fish-finder, ayon kay Reyes ay ginagamit ng mga suspek upang matukoy ang mga kawan ng isda na kanilang pasasabugan.
Kasalukuyang nakadetine sa pambayang bilangguang ng Hagonoy ang mga suspek matapos sampahan ng kaso ng paglabag sa Republic Act 8550 o ang pangingisda na gumagamit ng pampasabog.