Home Headlines 1,000 katao inilikas, 1 nawawala

1,000 katao inilikas, 1 nawawala

291
0
SHARE
Ang mga nangamatay na hayop sa Barangay Cadmang. Kuha ng Cabnagan PNP

CABANGAN, Zambales – Nasa 1,000 katao ang inilikas sa iba’t-ibang evacuation center ng mga tauhan ng municipal disaster risk reduction management office sa bayang ito nang rumagasa ang tubig sa tatlong barangay matapos mawasak ang isang earth dike.

Ang mga nangamatay na hayop sa Barangay Cadmang. Kuha ng
Cabnagan PNP

Isang senior citizen naman ang iniulat na nawawala kasama ang alagang hayop na tinangay ng malakas na agos ng tubig at kasalukuyan pang hinahanap ng MDRRMO.

Ayon kay Mayor Ronald Apostol bandang alas-12 ng hatinggabi nang mabigla ang mga residente ng barangay Cadmang, Apo-Apo, at San Rafael sa pagragasa ng tubig matapos wasakin ng malakas na agos ang earth dike.

Dahil sa bilis ng mga pangyayari, walang anumang gamit ang nailigtas ng mga residente maging ang kanilang mga alagang hayop ay nangamatay dahil sa pagragasa ng tubig na umaabot sa lagpas tao, dagdag pa ng alcalde.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here