Home Headlines 100 E-Trike, ipinagkaloob ng DOE sa Malolos City

100 E-Trike, ipinagkaloob ng DOE sa Malolos City

882
0
SHARE

(Dumating na sa Malolos ang 100 Electric Tricycle o E-Trikes na ipinagkaloob ng Department of Energy. Ang mga ito ay idedestino sa Malolos City Tourism Offi ce upang magamit sa pagbisita ng mga turista sa mga makasaysayan at pamanang lugar sa lungsod. Kuha ni  Shane F. Velasco/PIA 3)

LUNGSOD NG MALO-LOS, Hunyo 3 (PIA) — Dumating na sa Malolos ang 100 Electric Tricycle o E-Trike na ipinagka-loob ng Department of Energy.

Ayon kay outgoing Mayor Christian D. Nativ-idad, ang nasabing mga E-Trike ay idedestino sa Malolos City Tourism Office upang magamit sa pagbisita ng mga turis-ta sa mga makasaysay-an at pamanang lugar sa lungsod. Bawat isa ay kayang makapaglu-lan ng hanggang anim na katao.

Kasalukuyang na-kaparada ang mga ito sa garahe ng Malolos Sports and Convention Center kung saan isa-isa itong isinasailalim sa pangkalahatang pagsu-suri o check-up.

Sinabi ni City Tourism Officer Direk Armando P. Sta. Ana na malaking tu-long ito sa pagikot-ikot ng mga turista. Halim-bawa, pagbaba sa patio ng simbahan ng Bara-soain mula sa kanilang sinakyang bus, maaari nang sumakay sa E-Trike na maghahatid sa kanila sa Casa Real, Kamistisuhan District kung saan matatagpuan ang mga pamanang ba-hay na naging tangga-pan ng mga ahensya noong Unang Repub-lika, mga bahay ng mga Kadalagahan ng Malolos at ang Katedral-Basilika ng Malolos.

–CLJD/SFV-PIA 3

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here