Home Headlines 10 delinquent employers binigyan ng show cause order ng SSS

10 delinquent employers binigyan ng show cause order ng SSS

217
0
SHARE

IBA, Zambales — Sampung establisyimento sa bayan ng Botolan and inisyuhan ng show cause order ng Social Security System-Zambales kaugnay sa kampanyang Run After Contribution Evaders (RACE).

Ayon kay SSS IBA Branch head Ihreen Grace Sagaoinit, ito na ang pang-pitong RACE na isinagawa ng SSS sa lalawigan ng Zambales upang muling ipalaala sa mga business owners na nakakalimot o nakakaligtaan ang pagre-remit ng SSS contribution ng kanilang empleyado.

Sa 10 delinquent employers, lima ang hindi nakarehistro sa SSS at lima rin ang hindi nagbabayad ng SSS contribution ng kanilang mga empleyado
Sa nasabing RACE nitong July 11, nakakolekta ang SSS-Iba ng kitang P181,010 at penalty na umabot sa P43,402.04. 

Ang RACE ay isang programa ng SSS para hikayatin ang mga employer na itama ang kanilang mga pagkukulang sa kontribusyon. Inilunsad ito noong 2017 upang matiyak ang proteksyon ng social security ng mga miyembro nito.

Panawagan ng SSS sa mga empleyadong hindi nahuhulugan ng contribution ng kanilang employer na kaagad na ireport sa tanggapan ng SSS at huwag matakot at ang kanilang sumbong ay mananatiling kumpidensyal, ganun din ang mga business owner na hindi pa nakakapagrehistro sa SSS ay mangyari lamang na magsadya sa kanilang tanggapan SSS Iba sa Barangay Palanginan dito. Photos: SSS Iba

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here