Home Headlines 10 bayan sa Bulacan ASF-free na

10 bayan sa Bulacan ASF-free na

624
0
SHARE
Tinukoy ni Dr. Voltaire Basinang ang mga bayan sa Bulacan na ligtas na sa ASF. Kuha ni Rommel Ramos

LUNGSOD NG MALOLOS — Sampung bayan sa lalawigan ng Bulacan ang inilagay na ng provincial veterinary office sa kategorya ng pink zone o naideklara na bilang African swine fever-free.

Ito ay ang mga bayan ng Angat, Bocaue, Calumpit, Norzagaray, Obando, Pandi, Pulilan, San Ildefonso, at Doña Remedios Trinidad at lungsod ng Meycauyan. Ayon kay Dr. Voltaire Basinang, provincial veterinarian, patuloy na nakakapag- supply ang Bulacan ng mga karne ng baboy sa Kamaynilaan at mga karatig lalawigan dahil marami na rin ang mga nag-aalaga ng baboy dito.

Sa kanilang pinakahuling datos ay 12,479 na baboy ang inaalagaan ng 677 backyard farmers habang nasa 300,768 na mga baboy naman ang nasa 74 commercial farms sa Bulacan.

Bukod sa 10 bayan na ASF-free, may 18 bayan naman ang binigyan nila ng sentinels na tig-tatlong baboy sa 1,035 recipients para subukan na alagaan ang mga ito kung hindi na tatamaan ng ASF ang kanilang mga lugar.

Ayon pa kay Basinang, na-contain na rin nila ang pinakahuling kaso ng ASF na naitala sa bayan ng Sta. Maria noong nakaraang buwan. Aniya, agad na isinailalim sa culling ang 10 baboy sa isang experimental farm sa bayang ito matapos na makitaan ng mga sintomas ng ASF.

Matapos noon ay wala naman aniyang naitala na kaso ng ASF sa 500-meter radius sa nasabing experimental farm.

May mga sinubukan kasi aniya na mga gamot para sa mga baboy na pinalaki sa experimental farm na ito ngunit malaunan ay nakitaan nga ng sintomas ng ASF ang mga ito. Paliwanag niya na ang 10 baboy lamang ang tinamaan doon ng ASF. Sa ngayon ay patuloy naman aniya ang monitoring nila ng mga kaso ng ASF sa lalawigan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here