Home Headlines 1 sugatan sa karambola ng 3 sasakyan

1 sugatan sa karambola ng 3 sasakyan

1188
0
SHARE

Ang wasak na Fortuner. Kuha ng PNP-Orion


 

ORION, Bataan — Isa ang nasugatan matapos magkarambola ang tatlong sasakyan sa Roman Highway dito Lunes ng madaling-araw.

Kinilala ni Major Jeffrey S. Onde, Orion police chief, ang sugatan na si Darwin Parungao, driver ng Toyota Fortuner, ng Hermosa, Bataan.

Nagtamo si Parungao ng mga sugat sa ulo at katawan at isinugod sa Bataan General Hospital sa Balanga City.

Sinabi ni Onde na hindi nasugatan sina Jay-R Orteza, 33, ng Orion at driver ng garbage truck, at Engr. Randy Punzalan, 41, ng Mariveles, Bataan, driver ng Isuzu D-Max.

Matindi ang mga sirang tinamo ng tatlong sasakyan lalo na ang minamaneho ng nasugatan.

Batay sa report, huminto diumano ang garbage truck sa Roman Highway upang lumiko sa isang kanto nang mabundol ng kasunod na Fortuner. Dahil sa pagkakabundol, humarang sa highway ang garbage truck at nabunggo naman sa tagiliran ang parating na Isuzu D-Max.

Patuloy pa ang imbestigasyon, sabi ni Onde.

 

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here