SAN MIGUEL, Bulacan – Nangangamba sa kanilang kaligtasan sina San Miguel Bulacan ex-Mayor Pop Buencamino at Barangay Camias Chairman Melvin Santos matapos parehong makaranas ng pamamaril sa kani-kanilang mga bahay dahil sa umano’y political harassment.
Ayon kay Santos, makalawang ulit nang pinagtangkaan ang kanyang buhay matapos umano niyang magsampa ng demanda sa Ombudsman laban sa mga kasapi ng Sangguniang Bayan ng San Miguel.
“Maging ang mga ka-baranggay ko ay umiiwas na sa akin dahil sa takot na madamay kung ako ay barilin, at napakasakit nun,” pahayag ni Santos.
Samantalang ayon naman kay Buencamino, may isang taon na ang nakararaan ng pagbabarilin ang kanyang bahay ngunit hanggang sa kasalukuyan ay wala pa ring resulta ang imbestigasyon ng kapulisan hinggil sa naturang insidente.
“Ni wala pa ring resulta ang imbestigasyon, at ang sabi ay pinagbabaril ko lamang ang aking sarili.” dugtong ni Buencamino.
Anila, sila ay nangangamba dahil sa ito ay katulad ng unang insidente ng pananambang kay ni Engr. Constantino Pascual ng Rosemoor Mining and Development Corporation na binaril sa harapan ng kanyang bahay sa Barangay Salangan ngunit ito ay nakaligtas.
At hindi pa man umano nareresolba ng pulisya ang insidenteng ito ay napaslang na si Pascual sa Barangay Sta. Ritang Bata may tatlong buwan lamang ang nakalilipas matapos ang unang pamamaril.
Ayon pa kay Buencamino, nagkukulang ang kapulisan sa pangangalaga ng katahimikan sa kanilang lugar.
“Kinapkapan nila ang aking driver kamakailan, kung hindi political harassment ito, anong klaseng PNP [Philippine National Police] meron kami sa aming bayan?” ani Buencamino.
Samantalang hanggang sa kasalukuyan ay balot pa rin ng tension si Santos, at umaasang hindi lalala ang kanyang sitwasyon tulad ng pagkamatay ni Pascual.
Pahayag naman ni Senior Supt. Allen Bantolo, OIC provincial director ng Bulacan PNP, hindi sila nagpapabaya at patuloy ang kanilang imbestigasyon hinggil sa naturang mga insidente. Nagbibigay din umano sila ng proteksyon para kina Buencamino at Santos.