Zoren mas nagagalingan kay Ruffa G kaysa kay Kris Aquino

    420
    0
    SHARE
    Ang galing umiwas ni Zoren Legaspi para hindi magka-isyu sa kanyang mga sagot.

    Tinanong siya ni Ethel Ramos sa presscon ng Mano Po 6 kung sino ang better actress between Ruffa Gutierrez, kapareha niya sa Shake, Rattle & Roll XI, and Kris Aquino, gumaganap na wife niya sa Mano Po 6.

    “Pagagalitan ako ni Tita Annabelle (Rama), sasabihin ko na lang si Ruffa, pero magkaiba ng genre ang two movies at iba ang atake nila, kaya mahirap mag-compare.

    “Pero kung magkaka-award ako, gusto ko sa Mano Po 6 dahil classic ito at ’di na mabubura,” sabi ni Zoren.

    Hindi namin natsek kung nasa billing ng Mano Po 6 si Zoren dahil si Kris, hindi na ipinalagay ang pangalan para ’di magkaproblema si Mother Lily Monteverde at ang Regal Entertainment.


     

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here