Zoren Legaspi mahal pa rin ni Ruffa Gutierrez

    615
    0
    SHARE
    PINAGKAGULUHAN si Ruffa Gutierrez after ng presscon ng Shake Rattle and Roll 11 last Sunday sa Imperial Palace para hingan ng reaksiyon sa desisyon ng Department of Justice sa kasong  isinampa ng brother niyang si Richard against Philippine Entertainment Portal (PEP).

    Ayaw mag-comment ang former beauty queen-turned-TV host dahil nasa korte na naman daw ang kasong ipinaglalaban ni Richard. Pero hindi naman naiwasan ni Ruffa ang maging emosyonal dahil pamilya niya ang nasasangkot.

    “I just would like to say that I am very thankful sa naging decision ng DoJ. Siyempre, nagulat ako sa news na ‘yun. One thing I can say, I was really emotional that day. ‘Yung talagang gusto kong yakapin si Chard nang mahigpit na mahigpit at gusto kong sabihin sa kanya na hindi natutulog si Bro, especially kapag alam mong wala kang kasalanan at alam mo that you’re right. ‘Yun, alam ko that the truth will always prevail.

    “I think this Christmas, magiging masaya kaming lahat with the good news. Nakakalungkot na may mga kaso sa araw ng Pasko. But, nandiyan na ‘yan, it’s already in the court. So I can just say that we’re very, very happy.”

    Hindi rin nakaiwas ang anak ni Annabelle Rama sa tanong tungkol sa balik-tambalan nila ng ex-boyfriend na si Zoren Legaspi sa isang episode ng SRR 11, na pang-Metro Manila Film Festival entry ng Regal Films.

     “Alam kong very happy na si Zoren sa piling ni Carmina at kaibigan ko naman siya. Masaya sila sa piling ng kanilang kambal. Masaya naman ako kahit walang partner ngayon lalo na at may dalawa rin akong anak na babae na pagkakaganda,” say ni Ruffa.

    Ayon pa sa kanya, never pumasok sa isip niyang siya ang maging dahilan ng hindi pagkakaunawaan nina Zoren at Carmina. Pero may panghihinayang na hindi sila ang nagkatuluyan ni Zoren.

    Nu’ng una ay medyo nagkakailangan sila, lalo na sa kanilang kissing scene, pero after makunan ang eksena, hanggang kaibigan na lang daw talaga ang feelings niya sa ex-boyfriend.

    “Alam mo siguro, noong time na ‘yun, noong mag-break kami ni Zoren, may bitterness pa rin, may hate. ‘Di ba, like I said, time heals all wounds? Now, I’m very happy, I’m contented with Mina, with his kids. Wala na siyempreng bitterness sa buhay niya, ang tagal-tagal na nu’n. At saka siyempre kinausap na rin niya ako. Nakapag-move on na rin siya, nakapag-move on na rin ako,” pahayag ni Ruffa.



    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here