Home Opinion Zelensky: tunay na pinuno, hindi pagugupo

Zelensky: tunay na pinuno, hindi pagugupo

546
0
SHARE

mamamayang kinandili, sa piling ng iyong bansa,

tiwasay na namumuhay, sa lupaing pinagpala,

di man ganap na mayaman, o masasabing ‘sang dukha,

ang pinakamahalaga, wala sa inyong gagambala.

 

ngunit ang ihip ng hangin, nagbabadyang di mapigil,

matahimik na paligid, nahalinhan ng hilahil,

ang pinunong utak Hudas, karatig nitong lupain,

ang natatanging kanyang lakas, humampas ng buong diin.

 

sa bukana nitong bulkan, nagngangalit kanyang putik,

rumaragasang ibaba, nadarama itong lupit,

pananakop tanging hangad, karahasan yaring gamit,

at sinumang hahadlang, ibibigay ganting bagsik.

 

waring kuko ng aguila, nakahandang manibasib,

kung sisiw kang walang muwang, sa inay hahalukipkip,

kahit anong pagtatanggol, makuha lang ang tumangis,

mapalad nang di madamay, pagbalik sa himpapawid.

 

ganito ang nangyayari, sa ‘sang dambuhalang bansa,

pananakop ang paraan, yaman lang maging kanya,

libo libo mang mamatay, sa kanya ay bale wala,

mapulbos man ang paligid, tuloy ang pamiminsala.

 

sa labis na pagdaraop, tinamo na paniniil,

ang ilang mga bansa, naantig yaong damdamin,

nag-alay ng mga tulong, lalu’t sa guerang usapin,

kayat tumagal ang laban, sa bayang ayaw pasupil.

 

sa bayan ng mga puti, pagdalaw mo ng may misyon,

pagharap mo sa pinuno, kalakip ang negosasyon,

nang mahinto na ang guera, kung makakamit kanyang tulong,

ngunit pag-alipusta lang, galing sa mga ulupong.

 

para ka nang pumapasok, sa lungga ng mga ahas,

mga lupi sa katawan, palamuti lang sa panlabas,

subalit naipakita mo, ‘yong pagiging matatag,

namangha ang buong mundo, lider kang di patitinag.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here