Zanjoe Marudo pinapurihan ng movie press at ng direktor ng Lovers in Paris

    348
    0
    SHARE
    If there’s one actor na dapat talagang magdiwang dahil sa tuluyan na nga siyang kinilalang aktor sa tunay na kahulugan nito, ito ay si Zanjoe Marudo.

    Napaganda kasi ng review sa kanya bilang baguhang aktor ng ilang pressna dati raw ay hindi naman humahanga sa kanyang kakayahan.

    But seeing how effective he is sa ilang projects niya sa Kapamilya network, ayan nga raw at napakagaling na ni Zanjoe at puwede na talagang ihilera sa mga big actors ng ABS-CBN.

    Sa mga ganitong komento, tila asiwa si Zanjoe at lagi na lang idinadaan sa biro ang kanyang mga komento.

    Pero higit na naging kapani-paniwala ang sinasabing mahusay na actor na nga si Zanjoe nang mismong si direk FM Reyes na ang nagsalita about it.

    “Mahusay siya, very receptive sa mga instruction sa kanya. Dito sa Lovers In Paris, talagang mahusay niyang nagampanan nang buong husay ang isang layered character na hindi naman ganuon kadali kung tutuusin. Bilang si Martin, Zanjoe portrayed his role so clearly na defined na defined kugn sino si Martin bilang character at kung ano si Zanjoe bilang aktor.

    “I tell you, after this series, Zanjoe will be launched as one of our biggest actor in the industry,” sabi pa ni direk FM Reyes.

    So there! 



    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here