Hahabol kaya si Zanjoe Marudo sa usung-uso ngayon na marriage proposal? Nagpahiwatig ang aktor na gagawin niya ito kay Bea Alonzo na siyang current girl niya ngayon.
Nang matanong ito tungkol sa planong pagpapakasal nila ng girlfriend na si Bea Alonzo, nasabi nitong may naisip na siyang gimik para sa gagawin niyang proposal sa babaing gusto niyang ihatid sa altar at makakasama habambuhay.
Hindi raw true yung kumalt na tsism,is na may prolema sila ni Bea Alonzo. “Masyado lang parehong kaming busy kaya madalas kaming di magkita,” sabi pa nito. At sa sobrang busy, nag-iisip si Zanjoe kung paano niya masosolo ang karelasyon ngayong Pasko dahil tradisyon na nila ang mag-travel.
“Wala pang malinaw kung paano, kasi taun-taon lagi kaming nagta-travel. Sana, payagan ako ng show na at least, kahit one week lang para makaalis naman kami ni Bea”, ani Zanjoe.
Sa bagong serye nito na DREAM DAD, natanong ito kung sino sa dalawang gumanap na anak niya na sina Andrea Brillantes (Annaliza) at Jana Agoncillo (Dream Dad) ang gusto niya, aniya, magkaiba ang generation ng dalawang bagets, si Andrea ay 12 yrs. old na samantalang 5 lang si Jana. Kumbaga, si Andrea raw ang kanyang panganay, bunso naman ang kanyang kapareha sa bagong pagbibidahang serye.
Samantala, sure na tatangkilikin na naman ito ng mga manonood lalo na ng mga bata lalo na’t ang direktor nito ay ang direktor din ng ‘long term’ na kilig seryeng Be Careful With Heart nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap.
Sabay nating tutukan ang Dream Dad sa primetime serye ng ABS-CBN simula sa Nov. 24. Makakasama nina Jana at Zanjoe sina Ana Feleo, Katya Santos, Dante Ponce, Maxene Magalona, Beauty Gonzales, Gloria Diaz, Ketchup Eusebio.