AYON kay Zanjoe Marudo, medyo nahirapan din siya sa pagganap bilang bading sa Bromance: My Brother’s Romance, first solo film niya under Skylight Films.
Dalawang klaseng bading kasi ang ginagampanan niya as Brandy at bukod dito, dual role rin siya dahil sa kuwento, kambal sila na isang bading at isang lalaki.
Nang mamatay ang kakambal na bading ni Brando ay napilitan siyang magpanggap bilang si Brandy at dito makikita ang husay ni Zanjoe dahil magkaiba ang pagganap niya sa dalawang bading.
Siyempre, bilang nagpapanggap siyang si Brandy, medyo OA ang pagkabading niya whereas ’yung totoong bading na namatay na siya rin ang gumanap ay may pagka-finesse at natural na natural ang kilos.
Naipakita niya talaga ito nang buong ningning kaya naman bibilib ka talaga sa kanya at maging ang direktor na si Wenn Deramas ay humanga rin sa husay ni Z.
Sa presscon last Sunday ay natanong ang aktor kung ano ang feeling na finally ay may solo movie na siya na siya talaga ang bida and not just another leading man ng isang female star.
“Medyo nakaka-tense rin, kasi nga hindi naman ako sanay talaga na ako ang bida sa isang project. Siyempre, natutuwa ako. Gusto kong maging humble, pero ang damdamin ko, nagsusumigaw na maging confident dahil alam naming magandang pelikula ito,” he said.
Asked kung sino ang peg niya sa kanyang role as Brandy sa movie, aniya, wala siyang ginaya dahil gusto niya ay sarili niya talaga pero parang si Direk Don Cuaresma raw.
Eh, kanino naman niya natutunan ang pag-pout ng lips niya?
“Ah, kay Bea (Alonzo, her girlfriend),” say niya.
Itinuro ba ito sa kanya ni Bea?
“Actually, hindi. Dati pa lang, lagi kong ginagaya ’yun, kasi nga hindi naman usual na ginagawa ng tao ’yung naka-pout ang labi. Pero pagdating sa mga cover sa magazine, sa mga picture, lagi silang naka-ganu’n. So, minsan, inaasar ko siya, ginagaya ko ’yung mga picture niya,” kuwento ng aktor.
Ano naman sa tingin niya ang magiging reaksyon ng girlfriend kapag napanood ang pelikula.
“Magiging proud siya sa akin. Kasi ngayon pa lang, grabe na niyang ipinapakita kung gaano siya kasaya na trailer pa lang ang napapanood niya.
“Masarap ang pakiramdam na ’yung taong mahal mo, proud sa ginagawa mo kahit na ’yung ibang tao, iniisip, ‘hindi kaya ikakahiya siya ng girlfriend niya o ng kapatid niya.’ Ang sarap ng ganu’ng pakiramdam, lahat ng taong inaasahan ko ay sumusuporta, mga kaibigan ko, pamilya ko,” say ni Z.
Bukod kay Zanjoe ay kasama rin sa movie si Cristine Reyes bilang leading lady niya, Nikki Valdez, Maricar de Mesa, Carlo Romero, Arlene Muhlach at marami pang iba.
The movie is showing on May 16.