Home Headlines Zambales ‘di na zero sa Covid: 1 bagong kaso naitala

Zambales ‘di na zero sa Covid: 1 bagong kaso naitala

753
0
SHARE

IBA, Zambales — Matapos ang may ilang araw na naitalang Zero Covid-19 ang lalawigan ng  Zambales, muli na naman itong nakapagtala ngayong araw na ito, June 12, ng isang panibagong nagpositibo sa coronavirus disease.

Kinumpirma provincial health officer Dr. Noel Buenona isang 36anyos na lalaki mula sa Sta Cruz ang nagpositibo sa Covid-19.

Bagamat ang pasyente ay hindi nakitaan ng anumang sintomas, naging “reactive” siya sa rapid diagnostic test nitong June 8.

Sumailalim siya sa confirmatory test noong June 9 at sa lumabas na resulta nitong June 11 mula sa Jose B. Lingad Memorial Regional Hospital ay nagpositibo siya sa Covid-19.

Ayon kay Bueno, ang pasyente ay nasa mabuting kalagayan sa President Ramon Magsaysay Memorial Hospital dito sa Iba.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here