Yassi, ’di pa nakakarecover sa breakup nila ni Sef

    397
    0
    SHARE
    Hanggang ngayon ay di pa nakakarecover si Yassi Pressman sa split up nila ni Sef Cadayona. ‘Ika nga’y first love never dies.

    First love ni Yassi ni Sef. Nadevelop ang pagiibigan nila dahil magkasama sa programang Sunday All Stars tuwing Sunday sa GMA7.

    Dati’y mag-best friends lang ang dalawa. Sef is in his mid-20s while Yassi is only 19. Ani Yassi: “ Parang naging aral na sa akin ang pagkakaroon ko ng first BF. Nagkaroon kami ng relasyon ng two years. Hindi naman nag-work out kami ni Sef.

    “Hindi naman ako nanghihinayang sa aming relasyon ni Sef, pero maraming bagay sa buhay ko ang dapat kong i-prioritize muna. Lalo na ngayon pa lang ako gumagawa ng pangalan sa showbiz.

    Gusto ko na buo ang attention ko sa career ko.

    “ May mga nagpaparamdam, (pero) di ko siniseryoso.

    Ganyan lang naman ang mga lalaki. Matamis ang mga dila, pero, natuto na ako.”

    Samantala, free lancer na ngayon si Yassi. Under contract siya sa Viva Entertainment at puwede siyang lumabas sa tatlong major networks. This coming week ay tampok ang bagong love team nila ni Vin Abrenica sa Wattpad Presents ng TV5 na magsisimula ngayong Monday at 9 p.m.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here