ABUCAY, Bataan- Hindi mahulugang-karayon sa dami ng taong karamiha’y mga bata ang maluwang na plaza ng Abucay nang buksan ang bonggang-bonggang Christmas lights nito Martes ng gabi.
Bilang pagbubukas ng programa, umawit ng ilang bilang ang isang choir na binubuo ng mga batang Aeta buhat sa Bangkal, isang bulubunduking barangay sa Abucay.
Nagbigay rin ng sigla ang mga kabataan sa kanilang masayang pag-indak habang nagtitilian ang mga bata sa harap ng napapalamutiang entablado na may bumubuhos na kunwa’y niyebe.
Pinangunahan ni Abucay Mayor Ana Santiago ang pagdiriwang na inabot ng ilang oras dahil sa maraming bilang ng awitan at sayawan sa labis na kasiyahan ng mga manonood.
Ilang bata ang umawit ng “We are the World” habang sinasabayan ng masiglang galaw ng dalawang kamay ng mga tao. Habang umaawit ay unti-unting sumindi ang higanteng Christmas tree na may taas na 40 talampakan na ang iba’t-ibang kulay na ilaw ay nagsasalitan sa pagkuti-kutitap.
Sabay ring umilaw ang “belen” sa itaas ng waiting shed ganoon din nalukob ng Christmas lights ang malaking munisipyo at ang century-old acacia tree sa tabi ng kalsada. Sumindi rin ang malalaking tila kandila na nagmistulang tanglaw sa dilim ng gabi.
Ilang metro ang layo sa plaza, sa harap ng simbahan ay umilaw rin ang disenyong “Alice in Wonderland” décor na may Santa Claus.
Kasabay nito ay ang fireworks display na bawat sabog ng liwanag sa itaas ng matayog na Christmas tree ay nagsisigawan ang mga bata.