Maging ang ka-loveteam niyang si Kim ay daring na rin ang role sa latest offering ng Star Cinema na Etiquette for Mistresses na pinagbibidahan din nina Kris Aquino, Cheena Crab, Iza Calzado at Claudine Barretto under the direction of Chito Roño.
Ayon kay Xian, aware siya na daring ang role ni Kim sa Etiquette at wala raw naman siyang nakikitang masama dito.
“Part naman ’yon ng trabaho niya as an actress. Kumbaga, wala namang personal do’n. Kung ano ’yung hinihingi ng role niya, ginagawa lang niya. At saka, tama rin naman ’yung sinabi niya na woman na siya. Hindi na siya bata,” katwiran ni Xian.
Maging si Xian ay open din sa paggawa ng daring role basta kinakailangan sa istorya.
“Basta huwag lang ’yung… alam mo na, na gagawin lang para maka-attract ng viewers.
Walang problema sa akin ’yung mga ganu’n as long as nire-require talaga ng script at ng istorya sa pelikula,” sey pa niya.
Kasalukuyang tinatapos ni Xian ang pelikula with Angel Locsin and Vilma Santos from Star Cinema. Magti-taping na rin siya ng The Story of Us na balik-tambalan nila ni Kim.