Xian Lim di na nega

    257
    0
    SHARE
    NAKAUWI na ng Pilipinas si Xian Lim at ang ka-loveteam na si Kim Chiu mula sa kanilang successful US tour.

    Pagbalik ng bansa, nag-look test agad ang aktor sa Star Cinema kasama sina Angel Locsin at Gov. Vilma Santos para sa kanilang gagawing pelikula na ididirek ni Bb. Joyce Bernal.

    Halatang nakapag-recharge si Xian habang nasa Amerika. Nakapag-bonding din sila doon ni Kim at parehong excited sa nakatakda nilang pagsasama sa= isang romcom na gagawin ng Star Creatives.

    First time ni Xian na gagawa ng pelikula na hindi kasama si Kim at excited siya sa mga matututunan kina Vilma at Angel na parehong award-winning actresses.

    “I know I will be learning a lot from them. It’s really my pleasure to be working with them na parehong magagaling na artista,” sey pa ng binata.

    Samantala, masaya ang mga supporters ni Xian dahil tila nawawala na ’yung negative image o kanegahan na ibinabato sa kanilang idolo. Sabi pa nga nila, misinterpreted lang daw si Xian pero mabait daw talaga.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here