Aminado si Xian Lim na sobrang happy siya na may bago ulit silang teleserye ni Kim Chiu, ang Ina, Kapatid, Anak.
After My Binondo Girl, wini-wish niya raw talaga na magkatrabaho ulit sila.
“Para makita ko na siya everyday,” say ni Xian sabay tawa. “Kasi du’n sa My Binondo Girl, parang warming-up ’yun, kumbaga, na parang kausapin ko lang siya, nahihiya pa ako,” dagdag ng aktor.
Sey naman ni Kim, kahit paano, siyempre, ay magiging madali na ang magkita at magkausap sila once na nasimulan na ang teleserye.
Madalas daw kasi, kapag tinatanong ni Xian kung may libre siyang time ay natataon namang busy siya.
“Tapos nu’ng nalaman niyang magkakasama kami sa isang project, sabi niya, ‘uy, magkasama tayo.’”
Pero kapag may oras naman daw ay lumalabas-labas sila ni Xian kasama ang kanyang mga kapatid.
“Kinikilala siya ng mga sister ko,” sabi ni Kim.
Hindi masagot ng dalawa kung exclusively dating ba sila pero nang tanungin sila pareho kung may idine-date silang iba bukod sa isa’t isa, parehong “wala” ang sagot nila.
So, parang exclusively dating nga sila?
“Hindi naman masyado,” natatawang sabi ni Kim.
Kung bakit Ina, Kapatid, Anak ang titulo ng kanilang serye, ani Kim, sa simula ng kuwento ito mae-explain lahat kaya abangan.
Powerhouse cast din ang nasabing serye dahil bukod kina Kim at Xian, kasama rin sina Maja Salvador, Enchong Dee, Janice de Belen, Cherry Pie Picache, Ronald Valdez, Eddie Gutierrez, Ariel Rivera, Rayver Cruz at Jason Gainza.