Wowowee host Willie Revillame, mas may impluwensiya kumpara kay Kris Aquino sa ABS-CBN

    304
    0
    SHARE
    Napaiyak nga si Kris Aquino sa panggagamit di umano sa kanila ni Boy Abunda ng magsyotang Mar Roxas at Korina Sanchez. Ani Kris, dalawang linggo silang umaasa sa kanilang programang SNN o sa D’ Buzz gagawin nina Koring at Mar ang exclusive engagement nila on national tv. Pero nabigla na lang ang dalawa nang sa halip ay sa Wowowee ito naganap na walang abiso ni ha ni ho kay Kris.

    Lumabas na two weeks nang kausap ni Kris ang dalawa but in the end, sa Wowowee nga ni Willie Revillame nila piniling isiwalat ang kanilang pagmamahalan.

    Malinaw na wala ng power si Kris sa ABS-CBN. Kumbaga, natabunan na siya ni Willie Revillame na sobrang bango ng pangalan sa ABS-CBN. Top-rater nga naman consistently ang Wowowee at sobrang dami ng ads na ipinapasok sa kaban ng yaman ng network.

    At si Kris ay hindi na gaanong kabanguhan sa publiko dahil nga malinaw na sapaw na sapaw ang Pinoy Bingo Night ng kalabang program nito sa kabila.

    Pero ano nga ba’ng magagawa ni Kris kung lumipas na panahong sobra ang influence niya sa television. Dapat lang niyang tanggapin na talagang second fiddle na lang siya at mas may influential kesa sa kanya. At si Willie Revillame yun na talaga namang number one ngayon sa publiko, at siyempre, sa ABS-CBN.

    Kaya kung kami si Kris, tanggapin na lang niya’ng katotohanang unti-unti nang lumilipas ang kanyang kasikatan. Tumatanda na siya sa showbiz at dito talaga namang whether you like it or not, sumisikip ang daigdig sa pagdating ng mga mas mabango.

    Sa kaso nga ni Kris, she is no longer a name na top rater at meron ng bagong dapat idolohin.

    Ganyan siguro ang nasa isip nina Korina at Mar kung kaya mas pinili nilang kay Willie Revillame ipagkatiwala ang dalisay at matamis nilang pag-ibig. Sa Wowowee nga naman, abot nilang lahat gayung huhulaan pa kung magiging matagumpay ang announcement sakaling sa programa nina Kris at Boy Abunda ito ipinubliko.

    Kayo, ano ang sa palagay n’yo?

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here