‘World Class City Mayor,’ di pa handa sa Capitol?

    511
    0
    SHARE
    At maituturing nating ‘the best Mayor
    The city ever had (or when still a town,)
    Sa linis, sa sipag, saka dedikasyon
    Sa sinumpaan niya na maging bokasyon.
     
    Pagkat yan ang Mayor na di matawaran
    Ang sinseridad niya sa panunungkulan
    At pagiging matapat sa mamamayan,
    Na kinakailangan nitong paglingkuran.

    Ng buong puso at walang pangsariling
    Hangarin kundi ang taos na mithiing
    Magampanan nito ang kanyang tungkulin
    Nang naa-ayon sa Konstitusyon natin.

    Na marapat pamarisan nitong lahat
    Ng nasa gobyerno, magmula Kagawad
    Hanggang sa Presidente ng Pilipinas,
    (Pati na ng mga ‘appointed officials;)

    Na mabibilang sa dulo ng daliri
    Itong sa tungkuli’y maasahan lagi,
    Sapagkat ang higit na namamayani
    Sa utak ng iba ay ‘krus ng salapi;’

    At di upang makapagsilbi sa bayan
    Nang naa-ayon sa kanyang pagka-halal,
    Dahil wala namang intensyon ang ilan
    Kundi humanap lang ng masasandalan!

    O (source of living?) na mas madali-dali
    Ang kumita kaysa sila’y nakatali
    Sa isang propesyong di ganyan kadali
    Ang yumaman sa panahon na kay-ikli!

    Na kagaya nitong aywan kung papanong
    Nakapagpatayo ng magandang mansyon
    Gayong ang nauna lang nitong propesyon
    Ay mangabayo at magpatalon-talon.

    Na lubhang malayo sa isang aspirante,
    Sa pagka-governor, na sadyang masuwerte;
    Pagkat maihiga mang ang sapin ng katre
    Ay tig-isang libo ay di kwestyonable.

    Pagkat di lingid sa buong sambayanan
    Ang kapabilidad ng taong naturan,
    Kung kaya posibleng ang makalaban n’yan
    Ay tagilid kapag pera ang umiral.

    Bagama’t nakuhang talunin ni Among
    Sa isang halalang ang puhunan noon
    Nitong naging tanyag na ‘priest-turned-governor’
    Ay bigay lamang ng iba’t-ibang ‘donor.’

    Pero ang posibleng binigyan ng higit
    Na importansya ng ibang tumangkilik
    Ay ‘Pagbabago’ sa uri ng ‘politics,’
    Na namamayani sa ating paligid;

    Kung saan personal na interes nga lang
    Ng iba ang higit na nangingibabaw;
    At di ang ‘Magsilbi’ ng tapat sa bayan,
    Gaya ng kay Mayor Oca ang pananaw!

    Na tunay naman pong serbisyo publiko
    Ang tanging hangarin habang nasa puesto;
    At ang katatagan ng kanyang prinsipyo
    Ang pina-iiral bilang pulitiko;

    At di apurado sa ibang posisyon
    Kahit pa ma’t ang suporta ay maugong
    Upang tumakbo na bilang gobernador,
    Pagkat di pa nga po handa sa Capitol;
    (Ang ating butihing World Class City Mayor,
    Na may ‘ongoing project’ pa sa City Hall!)


    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here