Wondergays masuklian kaya ang malaking gastos sa kanila ni Lito De Guzman

    329
    0
    SHARE

    NAPAKALAKI talaga ng suportang binibigay ni Lito de Guzman sa mga alaga niyang bading. Ito yung  Wondergays whose concert at Zirkoh Timog is already slated for October 18. Bukod nga sa pagbibigay ng isang concert para sa mga baguhang alaga, ayan at tambak na ecposure ang binigay ni madir Lito sa kanila.

    Kunsabagay, alam naman ni Lito kung ano ang kanyang ginagawa. Bale ang talent manager na talaga siya at sa rami ng mga napasikat na niya, walang duda that the Wondergays are in for some tremendous popularity.

    Pero siyempre, sa pag-uusap ng ilang reporter, parang sobra naman ang suporta sa kanila ng kanilang manager. Imagine, ilang major presscon na ang nabigay sa kanila nito puwera pa yung pag-iimbita ni Lito ng tv crew at mga reporter hanggang sa kaliit-litang gigs ng Wonder gays.

     “Aba, kahit na yung Baywalk Bodies na talaga namang pinag-usapan sa showbiz. Hindi gaya nang tindi ng suporta niya, bakit kaya ngayon, todo siya sa Wondergays, hindi iba siya natatakot na baka di naman masuklian ng kanyang mga alaga ng suportang ibinibgay nila.

    Di na nagbigay ng comment ang dakilang manager. Mismong mga bading ang nagsalita. “Nagpapasalamat
    kami sa aming manager, alam naming malaki ang pagkakataong binibigay niya sa amin, kung sisikat kami, hindi namin siya malilimutan.” Si White ang nagsalita na parang lumalabas na siya ng spokesperson ng Wondergays.

    Dapat lang naman, hindi po ba? Sa panahon ngayon, di naman basta lang yun makahanap ng taong magbibigay ng ganoon kalaking pagkakataon.

    Anyway, sana naman mismong ang madla ay ma-aprreciate ang ginagawa ni Lito de Guzman at suportahan niya ito sa kabutihang ginagawa para sa Wondergays.

    On October 18, nga may lamaking show ang grupo sa Zirkoh Timog at special guests nila ang lumang hunks na sina Ahron Villena, Polo Ravales, Frank Garcia, Baron Geisler and Kris Lawrence. Suporta rin ang Mocah Girls at siyempre, si Blank Tape na mina-manage din ni Madir.

    Para sa mga tickets, please call (632) 441-1276 / (632) 413-6791 at the office LDG Production and look for Icon
    Cabalejo.

    Hurry up, before the tickets run out. You see, they sell like hotcakes so go go go!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here