Wonder Gays tumitikim din ng babae?

    324
    0
    SHARE

    Maraming sikretong nabunyag sa presscon ng Wonder Gays noong isang araw. Dahil may malaking birthday concert si Lito de Guzman, sa Zirkoh Morato sa Mayo 10, 2012, ayun, muling pinaharap sa press people ni Madir Lito ang mga alaga niyang bading.

    Natural, dahil sa maraming tanong ang mga reporters, naging makatotohanan ang sagot nila sa mga tanong tungkol sa kabaklaan nila.

    Did you know, na kahit bading pala ang lahat ng member ng Wonder Gays, yung iba sa kanila ay may experiences na sa mga babae. Yung isang member, si White, may anak pa, at si Blue naman ay umaming nakaapat na girlfriends na. Lahat daw ng mga babaing ito ay tinikman niya.

    How gross!

    Pero sa bandang huli, sinabi naman ni Blue na mas nasisiyahan pa rin siya sa mga lalaking nakatalik niya, kung ikukumpara sa mga babaing nagdaan sa kanyang mga kamay.

    By the way, isang reporter ang nakapansin na talaga raw nag-evolve na’ng mga bading ng Wonder gays.

    Naging maganda na raw silang magbihis at nawala yung tsipipay image nila.

    Oo nga pala, isang fund trasing show pala’ng birthday ni Madir kaya ang proceeds ng concert ay ibibigay nang buo sa My Father’s Orpahange, ang paboritong charity organization ni Madir. 

    Anyway, puno at star-studded ang show na ito dahil tatampukan ito ng mga kaibigan ni Mother Lito,  gaya nina Troy Montero, Patrick Garcia, Kris Lawrence, Rowell Quizon, Valerie Concepcion, Stef Prescot at Denise Laurel at Glaiza De Castro.

    Bukod sa kanila, lahat ng mga alaga ni Madir ay joined din gaya ni Blanktape, Raia Quiroz, Paolo Rivero, Kiko Pacquiao at ang Baywalk Bodies.

    Buong-puso ring nagpasasalamat si Lito de Guzman sa kanyang mga sponsors na sina Mommy Tess Palado, Annabelle Ledesma, Rolly Estrella Pawnshop, Congressman Guillermo Romarate, Jr. ng 2nd District ng Surigao Del Norte, Dr. Raul Guanzon, QC Councilors Raquel Malangen and Ranulfo Rannie Ludovica, Ms. Juvy Parungao, Ms, Jenny Pangilinan at Ms. Gelai Hernandez.

    For ticket reservation and inquiries, tumawag po lamang LDG Talent Management Services sa tel. nos. 4411276/41367912. Hanapin lang po si Icon  Cabalejo.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here