Willlie Revillame malabo nang pabalikin sa Wowowee

    517
    0
    SHARE
    On indefinite leave daw si Willie Wowowee, ayon sa napagkasunduan sa meeting with some bosses of ABS-CBN. Malabo yun, di po ba? Laging indefinite leave ang tawag sa mga kasong di na pababalikin ang sinomang nasa kontrata. Marami ng biktima ang indefinite leave ek na yan.

    Humingi ng tawad, tinanggap naman. Pero, pinag-indefinite break habang ino-observe ang mga obligasyon sa kontratang mag-e-expire sa September 2011.

    Ito, more or less, ang napagkayarian ng controversial Wowowee host na si Willie Revillame at ABS-CBN big bosses na sina Gabby Lopez at Charo Santos-Concio sa isinagawang closed-door meeting nu’ng Lunes ng gabi.

    Base pa sa napagkasunduan, hindi puwedeng lumabas o magtrabaho si Willie sa kaninumang tao o kumpanya na direktang kakumpetensiya ng ABS-CBN sa loob ng panahon na siya’y “nagbabakasyon.”

    Ibig sabihin, imposibleng magkatotoo ang mga natsismis na show na gagawin ni Willie sa ibang channel. Nauna na kasing nabalita na nakipagnegosasyon ito sa isang TV exec sa isang major network at nagbigay pa ng kondisyon na bibitbitin ang ilang staff ng Wowowee.

    Nariyan din ang usap-usapan na iho-host nito ang local franchise ng The Price is Right.

    Lumutang din ang usaping lilipat ng TV5 si Willie dahil sa pagpapa-interview nito sa matalik na kaibigang si Cristy Fermin sa Paparazzi matapos hamunin ang ABS-CBN na magre-resign siya ’pag hindi sinibak ang naninira raw sa Wowowee na si Jobert Sucaldito.

    Pero sa exclusive interview ng Philippine Entertainment Portal (PEP) kamakailan, pinabulaanan ni Perci Intalan, TV5 head for Creative and Entertainment, na may offer sila kay Willie.

    Isang TV5 insider din ang nagsabi sa PEP na ang boss nilang si Manny Pangilinan “will not touch him (Willie) with a 10-foot pole.” Kung nagawa raw hiyain ni Willie ang ABS management, hindi malayong gawin din ito sa kanila. May ilan namang nagsasabi na kung talagang may interesado, puwede nilang i-buy-out ang kontrata ng TV host-comedian sa Dos.

    Sa tantiya ng isang source ng PEP, aabot sa P2 billion ang puwedeng kitain ni Willie sa loob ng 18 buwan na natitira sa kanyang kontrata. At dahil nag-invest na rin ang Kapamilya network sa kanya, hindi raw bababa sa P3 billion ang magiging asking price ng istasyon para lang pakawalan ito.

    Pero, ispekulasyon lang lahat ’yan. Mangyayari lang ang ganitong scenario oras na pahintulutan ni Mr. Lopez.

    So, kumbaga sa basketball, ang bola ay nasa korte pa rin ng ABS-CBN big boss.

    Ayon sa dalawang sources, si Gabby daw talaga ang galit na galit sa mga ginawa ni Willie.

    Madali namang intindihin kung bakit, lalo pa nga’t napakarami na niyang tsansa na ibinigay sa tila hindi na natutong si Willie.

    Sabi ng komedyante sa kanyang napakahabang “please release me” letter nu’ng May 12, inako niya ang lahat ng kapalpakan sa Wowowee magmula sa Ultra stampede, Wilyonaryo at Tita Cory controversies.

    Nakalimutan niya na isa ang Ultra stampede sa rare TV appearances ni Mr. Lopez, kung saan he boldly faced the public para akuin ang lahat ng responsibilidad sa pagkamatay ng mahigit na 70 katao.

    Doon pa lang, dapat sana’y tinablan na ng hiya si Willie sa among abot-langit ang pagsuporta sa kanya. Kaso, hindi.

    Kung nu’ng Ultra tragedy, nag-earn ng pogi points ang ginawa ni Mr. Lopez sa TV, ngayo’y siguradong positive vibe ang hatid ng desisyon niyang pagbakasyunin si Willie, indefinitely.

    Sabi nga ng isang beterana sa industriya na nakausap namin kahapon, hangang-hanga siya sa ABS-CBN big boss. Wala raw siyang masasabi rito kundi “bravo!”

    Anyway, dapat sana’y naka-schedule magbigay ng interview si Willie kay Ted Failon sa TV Patrol World kagabi. Pero, ipinakansela raw ito ng TV host-comedian ilang oras bago umere ang primetime newscast ng Dos dahil sa “health reasons.”

    Narito naman ang opisyal na pahayag ng ABS-CBN tungkol sa meeting nina Willie, Gabby at Charo na ipinadala sa e-mail kahapon ng corporate PR head na si Bong Osorio: “Nagkausap na ang ABS-CBN management at si Willie Revillame kahapon (meaning, Monday).

    “Inamin ni Willie ang kanyang pagkakamali at humingi ng apology sa ABS-CBN bunsod ng kanyang paghamon sa ABS-CBN management on air noong May 4, 2010 at ang hindi niya pagpasok sa kanyang programa mula noong May 5, 2010.

    “Tinanggap ng ABS-CBN management ang apology ni Willie.

    Kaugnay nito, hiningan namin ng reaksyon hinggil sa naging resulta ng pag-uusap ang isa sa pinakamalalapit na tao kay Willie at itinuturing na niyang nanay-nanayan sa industriya na si Nanay Cristy Fermin at narito ang kanyang sagot via text message.

    “Ang sa akin lang, kung saan mas kumportable at masaya si Willie, nirerespeto ko ’yon. Meron siyang kakapusan sa nangyari pero meron din siyang puntong ipinaglalaban.


    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here