Williie Revillame, Shalani Soledad magtatambal sa pelikula?

    390
    0
    SHARE
    Phenomenal din talaga ang success ng Willing Willie ng Tv5.  Lahat yata ng households sa Metro Manila, pati na mga karatig-probinsya ay dito na nakatutok sa ngayon.  Biglang nagbago ang mukha ng primetime viewing at yan at dahil sa charisma ni Willie Revillame. Yes, Revillame is still the man to watch and until and unless Kapamilya and Kapuso give Willie a good fight, baka mabura na sila sa primetime.

    This really happened! Aba, nanood kami ng live sa Tv5 throguh the invitation of Crsity Fermin and we don’t know na-close up palang beauty ko. In an instant, naging five second celebrity ako.You know what, nasa studio pa ako,walang tigil ang mga texts sa cell ko saying na napoanood daw nila ako sa Willing Willie. Yes, sobrang dami nag-text which just means, talagang tambak ang nanonood ng programang ito.

    Heto pa, kinaumagahan, nasa Candaba na po ako. Aba, paglabas ko ng bahay, lahat ng masalubong ko, nagsabing napanood nila ako.It was only then I realize na buong Candaba pala, nakatutok sa Willing Willie.

    Kung ganyan ang sitwasyon, may nanonood pa ba ng Kapuso at Kapamilya?

    Anyway, malaking bagay din si Shalani Soledad kung bakit marami ang nakatutok sa Willing Willie.

    She’s a tv new find at novel na novel ang dating sa publiko. Tiyak na pag nag-artista na si Shalani, box office hit talaga.

    What kung sila ni Willie Revillame ang magtatambal? Hindi kaya riot sa takilya?

    And speaking of Shalani, may manager na pala siya. Lolit Solis no less!

    Wow bigat! Tiyak na mas sisikat pa si Shalani under the auspices of Lolit Solis.

    E kung sasagutin pa niya si Willie Revillame, lalo pa siyang sisikat, di po ba?

    Pero nanliligaw ba si Willie kay Shalani?

    "Abangan n’yo, isang araw sila na," sabi ng isang intimate source mula sa Tv 5.

    Laban!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here