Nagsalita na si Willie Revillame sa kanyang noontime show na ‘Wowowillie’ na tatapusin na lang niya ang kanyang kontrata sa TV5. Sumulat siya at humingi ng bakasyon kay TV5 Chairman Manny V. Pangilinan.
“Alam n’yo may mga personal na rason na hindi ko na sasabihin sa inyo. Ako muna’y magpapahinga ng ilang buwan, ng isang taon o anuman, e, malalaman ninyo. Tatapusin ko na lang po ang kontrata ko sa TV5,” sey niya sa Tuesday episode ng Wowowillie.
“Ang last day of my contract ay October 15. Maybe October 12 will be the last show ng Wowowillie.
“So, hindi po para malungkot. Ganyan talaga ang buhay. Kasi kailangan ko rin ng time.
Malungkot lang ay hindi tayo magkikita araw-araw. Wala nang sigawan, walang umiiyak sa saya, walang nabibigyan ng pamasahe, walang nabibigyan ng ganito.
“Anyway, tingnan po natin baka may pagkakataon ay magkita-kita pa rin tayo .‘Yun lang po para matapos na ang haka-haka. Ako ay sumulat na sa pamunuan ng TV5, ako po ay nagpaalam na..May 17.
Actually po, sinagot na nila ako na I think tinatanggap nila ‘yung aking pagpapaalam sa TV5. Para wala nang news, basta po tatapusin ko ang kontrata ko hanggang October. Sa araw na ‘yan puro saya.”
Idinagdag pa ni Willie: “Pag may nagsara na bintana, may magbubukas na pintuan. Basta magi-enjoy pa rin tayo.”
WE asked Peachy Guioguio what is TV5’s stand on the announcement of Willie Revillame in his show “Wowowillie” last Tuesday that he’ll retire come October after his contract with TV5 expires on October 15. Willie said on air.
“The TV5 management respects his decision and wish him well,” sagot ni Peachy.
Despite this, stories that it’s really TV5 that chose not to renew his contract with them persist. It’s because the show is expensive to produce but they’re not really earning from it. Willie’s announcement that he decided to retire is reportedly just his way of saving face so it won’t appear that he’s the one who was rejected.