Marami pa ring nagtatanong kung talagang totoo na raw ba ‘yang pagpapakasal ng bago Councilor Shalani Soledad at si Cong. Roman Romulo.
Marami pa rin ang hindi makapaniwala hanggang ngayon.
So far, pati si Shalani, ganu’n din ang naramdaman niya.
Hindi raw niya maipaliwanag kung ano ang naramdaman niya. Basta dumating na lang daw ang ganu’ng feelings nang manligaw sa kanya si Roman at sobrang bilis ng mga pangyayari, nag-propose na ng kasal at tinanggap naman niya.
Wala pa yatang dalawang buwan ang kanilang relasyon, pinaplano na ang kasalan kaya hindi pa nga talaga sila magkakilala nang husto pati ang pamilya nila.
Pero hindi naman natin saklaw ang naramdaman nila sa isa’t isa kaya i-wish na lang natin sila na maging maayos ang lahat at tuluy-tuloy na maganda ang kanilang relasyon.
Wala pa naman silang final date ng kasal, pero pinag-iisipan na raw nila kung hindi January, February next year.
Kaya kaabang-abang iyan dahil maraming mga taong involved ang guguluhin sa kasalan na iyan.
Isa na d’yan siyempre si P-Noy na tiyak na kukunan ng reaksyon sa pagpapakasal ng dating girlfriend.
Ang isa pang hihingan din ng reaksyon ay si Willie Revillame dahil na-in love din iyan noon kay Shalani.
Alam naman ‘yan ni Willie noon pa, eh. Kaya tanggap na niya iyan.