Willie Revillame puring-puri ang resulta ng grand championship ng Talentadong Pinoy

    330
    0
    SHARE
    Balak bigyan ng tribute ni Willie Revillame ang big winner ng 2011champion ng Talentadong Pinoy na si Joseph the Artist ng Laguna. Iimbitahin daw ni Willie sa Willing-Willie ang polio- stricken na si Joseph Erwin Valerio upang kahit paano naman daw ay makita ng mundo ang galing ng naturang sand artist.  “Silang lahat na naglaban-laban, bibigyan naming ng pagkakataon dito, alam n’yo naman ganyan kami rito sa singko, walang away away, lahat magkakaibigan. Siyempre, bilib kami sa Talendadong Pinoy kaya nakahanda kaming sumuporta sa kanila. Mabuhay ang Talentadong Pinoy, mabuhay ka, Ryan Agoncillio,”: sabi pani Willie Revillame sa national TV noong isang araw.

    Marami  naman ang may bet  kay Joseph The Artist na maging Ultimate Talentadong Pinoy 2011 at  siya naman ang nag-win.

    Ang galing-galing ni Joseph  dahil maganda ang  konsepto niya  sa pag-drawing sa buhangin.

    Base sa kantang “Dance with my Father” ang istoryang ginawa niya sa kanyang drawing. Marami ang na-touch at napaiyak ni Joseph. May puso, may istorya at may emosyon.  Karamihan sa movie press siya rin ang bet. Unforgettable  talaga ang ginawa ni Joseph The  Artist.

    Anyway, nagkamit ng 56.5%  ang audience share ng first night ng Talentadong Pinoy Battle of The Champions 2011! More than half of Mega Manila viewers were tuned in to TV5 last night, March 12.

    Bukod kay Joseph, naglaba-laban din at napanood natin ang bakbakan ng walong magagaling na Hall of Famers na kinabibilangan ng Fire Attraction. Yes, sa opening pa lang nagliyab na ang entablado ng Ynares Center sa performance nito. Sinundan ito ni Beatbox Gor (Raeny Yvann Santiago)- ipinakita nito ang kanyang husay sa paglikha ng tunog at musika sa pamamagitan ng pagbuga.

    Sabi nga ni Direk Audie Gemora kay Joseph The Artist, hindi lang siya isang artist kundi isang mahusay na story teller.

    Ang breath-taking performance ni Sfazhiva (Ana Marie Garbo) sa pole dancing. Sexy and daring stunts  performance ang pambato nito.

    Sinundan ng RR Friends (Renee Alexis Aguilar at Randel Ross Robles).

    Tapos ang New Born Divas ang bumira sa kanilang sing and sexy dance performance.

    Ang mahuhusay na bagets sa kantahan na someday magiging theater artists, ang The Believers (Fatima Grace Valenzona at Francheska Macalino) at  ang wild card finalist mula sa Antipolo City, ang Belinda Adora’s Stepkids. Para sa amin, ito ang mahigpit na kalaban ni Joseph the Artist.

    Walang tulak-kabigin ang mga talent scout sa Battle of Champions na kinabibilangan nina Direk Audie, Kitchie Benedicto, Annabelle Rama, Ruffa Gutierrez (sa dalawang gabing performances – nagpatalbugan din ang mag-ina ng kanilang kasuotan at  mga kumikislapang alahas), Tuesday Vargas, Richard Gomez, Congresswomen Lucy Torres-Gomez, Lani Misalucha, Alice Dixson at Joey de Leon. Hirap sila sa pagdya-judge.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here