Willie Revillame nagsalita na

    258
    0
    SHARE
    Nagsalita na si Willie Revillame sa Paparazzi ng TV5 at nilinaw ng TV host/actor ang ilang isyung ibinabato sa kanya.

    Aalis na ba si Willie sa Wowowee? Kaya bang talikuran ng TV host ang P25 million na kinikita niya buwan-buwan sa programa?

    “Hindi naman lahat, eh, pera—pera lang. Ang importante, eh, kung masaya ka. Walang amount of money o halaga pagdating sa ganyang bagay. Ang importante talaga ay  kung masaya ang puso mo,” pahayag ni Willie.

    Idinagdag din ni Willie na hindi pa talaga siya umaalis sa show at nagbabakasyon lang siya ngayon.

    “Hindi pa ako umaalis. Basta, malalaman naman ng lahat ang desisyon ko. May takdang panahon para diyan,” dagdag pa niya.

    “Ako po’y magbabakasyon lang… Huwag n’yo po akong iiwan. Ipagdasal n’yo po na maging maayos ang lahat ng ito,” hirit pa ulit ni Willie.

    Sa unang bahagi ng interbyu ni Tita Cristy, nabanggit ni Willie na nami-miss niya ang mga taong nanonood ng kanyang programa.

    “Nami-miss ko ’yung tao, hindi ’yung programa… Sana maintindihan nila ako ngayon.

    Eh, kelan ba siya babalik sa show?

    “Pinag-aaralan ko lahat. Pinag-iisipan ko lahat. Kung ano ba ang gusto kong gawin ngayon sa buhay ko? Kasi, hindi pera-pera lang ’yan, eh. Kasi, kahit kumikita ka nang malaki, kung hindi ka naman gusto ng tao. Basta ako, ang binibigyan ko ng importansya dito ay ’yung tao,”  tugon ulit ng TV host.

    Eh, kay Jobert Sucaldito, ano ang masasabi niya?

    “Ayoko ng pag-usapan ’yan. Wala naman akong galit kahit kanino. ’Yung mga panahon na ’yon, siguro, pagod ako sa kampanya kaya ganu’n… Wala na rin akong pakialam kahit siraan pa o tirahin nila ako sa internet,” sambit pa niya.

    Samantala, aminado si Willie na may mga pagkakataong lumalabas talaga ang kanyang kayabangan.

    “Eh, talagang mayabang ako, eh. Palaban kasi ako sa buhay… Mahirap naman ’yung nagbabait-baitan ako.



    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here