Willie Revillame biktima ng maruming pulitika

    350
    0
    SHARE
    May mga kamay na gumalaw kaya nga sumobra ang pulitika sa kasong kinakaharap ni Willie Revillame.

    Could this be the fear of some quarters na kung magtatagal sa ere si Willie at mga programs nito, baka nga maming numero uno kung sino mang kandidato ang ieendorso niya.
    Fear of the unknown ang tawag nila rito.

    Beyond ABS-CBN ang maysala sa usaping Willie Revillame sa di umano’y pang-aabuso nito sa batang si JanJan.  Kung di pakasisilipin, iisipin mo talagang ABS-CBN ang nagpakana para nga pilit na ibagsak ang programang Willing Willie sa TV 5.

    In a sort of way, tagumpay ang mga detractors ni Willie dahil ayan, inunahan na nito ang suspensyong ipapataw sa kanya.

    Kusa na , kumbaga, na magpahinga sandali si Willie upang harapin ang maraming bagay. Hindi na hinintay ni Willie Revillame ang desisyon ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa kanyang show, na parang gustung-gustong ipasibak ng mga “kalaban” niya sa industriya.

    Last Friday, April 8, siya na mismo ang nag-announce na hindi muna ie-ere ang Willing Willie sa loob ng dalawang linggo, starting this Monday, April 11.

    Ayon pa kay Willie, babalik na lang sa ere ang kanyang show after ng Holy Week.

    Sa dalawang linggong pagpapahinga ni Willie, sa resthouse niya sa Tagaytay Highlands muna raw siya magmumuni-muni.

    Katwiran ni Willie, ito ay dahil na rin sa sunud-sunod na pagbira sa kanya sa mga pahayagan, radio at telebisyon. 

    “Pasensya na ho muna,” pahayag ni Willie bago matapos ang show last Friday evening.

    Nanindigan din si Willie na wala siyang inaabusong bata sa kanyang programa at , “wala akong ginawang masama sa batang ’yun.”

    Marami ang nalungkot sa inanunsiyo ni Willie, hindi lang ang staff ng Wil Productions, kundi maging ang audience na nasa loob ng studio ng TV5.

    “Sana ay ipagdasal ninyo na makabalik pa ang programang ito,” saad pa nito.

    Nagdesisyon na rin si Willie na magpahinga for two weeks dahil halos lahat ng advertiser ng kanyang show, isa-isa nang nangawala.

    Kaya masakit man sa loob ng TV host ang pangyayari, ginawa lang niya ang nararapat.

    Nagpasabi na rin kasi ang Cebuana Lhuillier Pawnshop na ititigil na nila ang pag-a-advertise starting this Monday sa WW.

    Samantala, ayon naman sa Unilever, sususpendihin nila lahat ng ad placements simula Lunes, “in all reality-based live game shows across all networks.”

    Disappointed man si Willie sa nag-pull out na advertisers, sinabihan niya ang televiewers na huwag magagalit sa mga ito dahil “they were just following their bosses’ orders.”

    Klinaro rin ni Willie na hindi sinususpinde ng MTRCB ang Willing Willie dahil may on-going inquiry ito sa insidente, which the Commission on Human Rights described as child abuse.

    Aniya, may disagreement sa ibang MTRCB members on how to deal with the issue, and expressed gratitude that three of its members, which Willie claimed have linkage with rival network ABS-CBN, have inhibited themselves from the case.

    Pinangalanan na rin ni Willie ang celebrity na nag-criticize sa kanya sa Twitter na balak niyang sampahan ng kaukulang kaso, na sina Jim Paredes, Lea Salonga, Aiza Seguerra, Leah Navarro, Bianca Gonzales, K Brosas, Agot Isidro at Tuesday Vargas.

    Hindi na rin daw siya magbibigay ng komento laban sa ABS-CBN, kung saan may multi-million law suit sa kanya dahil sa breach of contract ng mga abogado ni Willie Revillame ang pagtanggi ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na madinig ang panig ng TV host at ng kanyang WilProductions, Inc. sa nakaraang hearing kaugnay ng isyu kay “Jan-jan.”

    Ayon kay Atty. Leonard de Vera, hindi nabigyan ng due process of law si Revillame at ang Wil Productions nang tumanggi ang MTRCB na pakinggan sila dahil hindi sila umano “nakarehistro” sa MTRCB.

    Binigyang-diin ni De Vera na kung naging bukas lang ang isip ng mga taga-MTRCB  ay naipresenta sana ni Revillame ang mga ebidensya na ini-edit at pinagkabit-kabit ang mga video ng pagsasayaw ni Jan-jan sa youtube at facebook para palabasin na ito ay umiiyak sa kabuuan ng kanyang pagsasayaw.

    Ang malisyosong editing ay taliwas sa tunay na mga pangyayari noong Marso 12 kung saan ay mapapanood sa unedited video na naging emosyunal ang anim-na-taong gulang na si Jan-jan sa pagpapasalamat sa kanyang mga magulang sa pagpayag na sumali siya sa Wiltime Bigtime segment ng show, anang abogado.

    Idinagdag pa ni De Vera na ang “body wave” na isinayaw ni Jan-jan ay popular at walang bahid malisya, taliwas sa mga sinasabi ng ilang kritiko, gayundin ay walang masama sa mga komentaryo ni Revillame tungkol sa performance ng bata.

    Bilang komedyante, ang interaksyon ni Revillame kay Jan-jan at sa lahat ng kanyang contestants at audience ay naglalayong makakuha ng sinserong reaksyon, partikular sa mga problemang kanilang kinakaharap at kung papaano mahaharap ang mga ito nang may ngiti sa mga labi.

    Nilinaw ni De Vera na hindi maaaring hadlangan ng MTRCB ang artistic expression ni Revillame dahil ito ay protektado ng Bill of Rights, kung saan ay nakasulat na “No law shall be passed abridging the freedom of speech, of expression xxx.”

    Ang pagbabawal kay Revillame na bigyang-laya ang kanyang “comic timing and interacting with the audience to elicit honest emotions (either empathy or laughter) constitutes prior restraint or censorship, which violates Willie’s freedom of expression,” ani De Vera.

    In connection with the raging controversy involving TV host Willie Revillame and his show, “Willing Willie,” heto po ang official statement from TV5, through its corporate communications office:

    TV5, with the cooperation of Mr. Willie Revilame and WilProductions, Inc., has decided to stop the airing of the “Willing Willie” show for a period of 2 weeks starting April 11, 2011.

    During this period, TV5 will dialogue and work with the MTRCB, KBP, PANA and other stakeholders to come up with appropriate guidelines that will apply to all networks and the entire industry with respect to the participation or use of children in talent, game and reality shows for television. TV5 will also complete the improvement of its internal guidelines and processes to achieve the same end.

    Furthermore, the network will work with Mr. Willie Revillame and WilProductions, Inc. in order to improve the program and ensure that it will continue to bring fun and entertainment to its many loyal viewers.

    TV5 reiterates its commitment to responsible broadcasting and vows to continuously enhance its programs as its way of serving the public and thanking its viewers for their unceasing support, trust and patronage.

    Beginning Monday, April 11, TV5 will show “Primetime Super Sine” and “Magic? Gimik!” in the “Willing Willie” timeslot.


     

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here