Pinakahindi magandang biro kay Willie Revillame yung ginagawa ni Joey De Leon sa Eat Bulaga tungkol sa pagiging hindi nito pagiging effective endorser. Laman ng mga biro ni Joey yung pagsablay ni Willie dahil natalo nga si Manny Villar.
Hindi pa sumasagot ni Willie kaya inaasahang higit ang anghang ng kanyang balikwas pagbalik niya sa Wowowee.
That is kung pababalikin pa ba siya ng management now that may isyung mismong management na ang tumututol sa kanyang pagbabalik sa noontime show.
Marami na ang nagtatanong sa amin kung totoo raw ba na hindi na babalik si Willie Revillame sa show niyang Wowowee lalo‘t talo ang manok niyang kumandidato sa pagka-Pangulo na si Senator Manny Villar.
Dapat daw kasing panindigan nito ang binitiwang salita na kung hindi paalisin si Jobert Sucaldito sa Dos, siya ang aalis sa naturang network. Ito na raw ang pagkakataon na patunayan ni Willie na mayroon siyang isang salita.
Pero sa isang banda, dapat din sigurong unawain ng viewers si Willie na ito ay tao rin na hindi perpekto at nagkakamali rin.
Anyway, marami ang nag-aabang sa gagawin ni Willie. Kung ito raw ba ay aalis na nang tuluyan sa kanyang show o nagpapalamig pa dahil sa pagod na inabot sa pangangampanya para kay Sen. Villar, na sad to say ay natalo ni Noynoy Aquino.
Teka, ano naman kaya ang maging reaction ni Kris Aquino sa sinabi umano ni Willie Revillame na: “Bakit ako aalis sa Dos? Bakit Lopez ba ang apelyido niya?”
Totoo ba ito o gawa-gawa lang ng mga taong talagang naaasar na sa kayabangan daw ni Willie at pati sila ni Kris ay gustong pag-awayin?
Grabe ang “batikos” kay Willie sa social networking sites.
Ayaw na siyang pabalikin sa Wowowee dahil sa naging attitude niya kay Jobert Sucaldito na ’pag hindi tinanggal sa ABS-CBN, siya ang magre-resign.
Sayang. Sana, kung meron lang isang kaibigan si Willie who will explain to him na “you don’t bite the hands that feed you,” eh, mare-realize niya kung ano ang mga pagkakamali niya.
Hindi sapat ’yung talented ka, magaling ka, love ka ng mga advertiser, eh, susi na ’yon para “magmalaki” ka na o mag-inarte.
Kahit talented ka, kung hindi ka naman marunong makipagkapuwa-tao o hindi ka marunong magpasalamat sa mga nagbibigay ng biyaya sa ’yo, balewala rin ’yon.
Magkano ba kinikita ni Willie sa loob ng isang buwan? P30 million? Dahil lang sa Wowowee?
Juice ko, saang kamay ng Diyos mo kukunin ang halagang ’yan?
Nobody is indispensible in this business. ’Pag pinakawalan mo ang oportunidad dahil lang sa kaartehan mo o taas ng tingin mo sa sarili mo, magtatampo ang grasya sa ’yo.
Ang dinig namin, gusto nang bumalik ni Willie, pero wala pang “go signal” ang management ng ABS-CBN.
Ngayong hindi pinalad maging presidente si Sen. Manny Villar na inendorso ni Willie, ayaw naming isipin, pero baka ibintang sa TV host-comedian kung bakit hindi ito nanalo.
’Wag naman sana.