Wiilie Revillame decides to leave ABS-CBN

    362
    0
    SHARE
    Wiilie Revillame, in a press conference at Anabel’s Restaurant announced, he is severing his contract with ABS-CBN. In a very emotional tone, Willie Revillame told the press about his plans.

    “Ngayon, sa araw hong ito, sa inyong lahat sa mata ng bawat Pilipino, sa buong mundo, lahat dito, para na lang po sa kapakanan ng lahat, sa mga taong nahihirapan din sa sitwasyon ng ABS CBN sa aking pagbabalik. Ako na ho ang gagawa ng paraan para lang hindi sila mahirapan. Ako po ay nagpapaalam na sa ABS-CBN. Ako po ay tinatapos ko na ang kontrata ko sa ABS-CBN na naging kapamilya ko. Wala po akong masasabing masama sa kanila. ‘Eto lang po ay sarili kong desisyon para makapag-move on na po at makagawa po ako ng programa ko para sa sarili ko at gusto ko. Hindi na po ako puwedeng magkaroon ng isang show na once a week dahil sa kontrata ko po, sa pagkakaalam ko, every day po ang aking dapat gagawin hanggang September 2011.”

    This statement is an open defiance about the once-a-week show at Studio 23, ABS-CBN offered him in lieu of Wowowee which according to Willie was all set to go last July 31 as his comeback, after a few weeks of suspension when he was found to have offended a lot of ABS-CBN executives.

    “Humihingi ako ng paumanhin kung ako man ay may nasaktan at may na-offend sa ating mga kababayan sa huling pangyayari. Ganon naman ang buhay, e, nobody’s perfect, lahat,” dagdag ni Willie. “Lunes hanggang Sabado ho ang trabaho ko sa Wowowee, alas-nuwebe ng umaga hanggang gabi. Wala na akong panahon sa sarili ko, Linggo lang. Sa Linggo, tumatawag pa ako sa staff ko kung nakakita ako ng bagong music, ibibigay ba yung music. My life, ang buhay ko po, ay Wowowee na. February 5, 2005 nagsimula po ang Wowowee, wala naman akong sakit sa puso, wala naman akong sakit sa ulcer… Hindi ko sinisisi ang Wowowee. Ang sinasabi ko lang, sa sobrang pagmamahal ko po sa programa ng bawat Pilipino na “So, yun po ang isa sa rason din sa buhay ko kung bakit nandito rin ako sa inyo. Gusto kong malaman n’yo na talagang ibinuhos ko ang buhay ko magpasaya ng tao every day.”

    To continue, Willie Revillame started to recollect the events that led to his ouster as the main host of Wowowee. Willie’s numerous friends in and out of showbiz were all present at the presscon in support of the bewildered controversial television host. Aside from his legal counsels Atty. Leonard de Vera and Atty. Ferdinand Domingo, Team Pacquiao, headed by business manager  Congressman Mr. Eric Pineda; Viva Entertainment Big Boss  Mr. Vic del Rosario; TV host Cristy Fermin; singer-composer Lito Camo; Daisy Romualdez; at and talent manager Annabelle Rama.

    “Pinag-isipan ko ho ‘tong mabuti, ipinagdasal ko at ako po’y nakipag-usap sa mga taong talaga namang nagmamahal sa akin, kapamilya ko, sa mga kaibigang malalapit sa akin, at sa akin pong mga pinagkakatiwalaang abogado, at sa akin pong pinagkakatiwalaan sa business po ng industry.”

    According to Willie, he was supposed to come back July 31, the same day, the new noontime show Pilipinas Win Na Win went on air.

    “Marami na pong pag-uusap na nangyari, naghanda na po kami, magsisimula po ako sa unang pangyayari dahil ako po’y humingi na naman ng tawad sa pangyayari, nung unang pangyayari na ako’y umalis sa Wowowee. Tinanggap naman po ‘yon ng buong pamunuan ng ABS-CBN. Noon pong bago mag July 10, si Ms. Linggit Tan, ang production head po ng ABS-CBN, she’s been texting me at siya po’y tumawag sa ‘kin para mag-usap. Dahil po nung mga panahon na ‘yon, parang ayaw ko na ho sanang lumabas sa telebisyon muna. Sabi ko, aayusin ko muna yung sarili ko kung bakit nangyayari sa akin ‘tong ganito.

    “Ang napag-usapan po namin nila Ms. Linggit Tan ay yung pagbabalik ko ng July 31 sa ABS at sa Wowowee, napag-usapan na po naming lahat kung ano ang mga bagong segment, kung ano po ang gagawin sa bagong programa… bagong mga games po. At the same time, ibinigay ko yung mga ideas ko sa mga bagong games. Meron akong mga sinabi sa kanila ‘ganito ang gawin natin, ‘eto ang gawin natin.

    “At the same time, nakipag-usap na rin po ako sa pamunuan ng ibang mga sponsors para magbigay ho ng bahay at lupa. Para sa araw-araw na pagbalik ko, gusto ko mas maraming matulungan at mas maraming mapasayang kababayan natin. Ibinigay ko sa kanila yung concept. Pati yung music, pinadinig ko lahat. That was July 10. Pagkatapos po ng pag-uusap namin, okay na ang lahat, naging kampante na ako. Nai-announce na ‘ata sa staff na ako’y babalik na at naging masaya ang staff. Naging okay naman ho sa feedback.

    “Sa pangalawa po naming meeting, kay Mam Charo na mismo ako humarap. So, napag-usapan po dun yung pong sinasabi nilang babalik na ako, okay na lahat. Binanggit na ni Ma’am Charo lahat ng mga ideas, okay naman sa kanya. Sabi nga niya, ‘Ngayon, dapat mas maganda na, mas marami tayong mapasaya, matutulungan sa pagbabalik mo.

    “Sa pagkakaalam ko ho, tapos na ang lahat, magbabalik na ako sa Wowowee. Pagkatapos po no’n, nag-akapan pa kami ni Ma’am Charo. Sinabi po ni Ma’am Charo na, ‘Galingan mo, okay na.’ ‘So, Ma’am Charo, puwede na ba akong makipag-meeting sa aking mga staff?’ After ng meeting ko po sa opisina ni Ma’am Charo, ipinatawag naman yung core group ng Wowowee—ang aming head writer, ang aming business unit head, the EP, the writers at yung mga set decorators. At the same time, nag-meeting na ako with the staff. At sabi namin, confidential, para hindi muna magulo yung mga staff.

    “So, napagkasunduan po na babalik na ako sa July 31,” ulit ni Willie. “Sa July 31 pong yun, naghanda, excited na ang lahat. Ako po’y nag-isip na ng mga bagong… Lumapit na rin po ako sa Vista Land para magbigay ng labindalawang bahay, ibinigay naman po sa akin ng Vista Land. Lumapit naman po ako sa mga sponsors na madadagdagan ko pa yung saya at papremyo sa bagong gagawin naming Wowowee.

    “Pero nagbago ang ihip ng hangin. Tinext ako ni Linggit Tan, tinawagan ko siya. ‘Bakit, ano pag-uusapan?’ May kaba na ako, may nararamdaman na akong kaba. Sabi ko, ‘Hindi ako puwede bukas ng Wednesday, ngayong araw na ‘to na lang.’ So, nag-meeting kami sa Imperial Suites sa isang kuwarto roon.”

    “Sabi ko, ‘Ano’ng pagmi-meeting-an natin? Alam ko, ayos na lahat.’ Ang sabi niya [Ms. Linggit] sa akin, ‘Okay lang ba sa ‘yo na once a week ka na lang sa show?’ Parang nagulat ako. ‘O kaya, magkaroon ka na lang ng show sa Studio 23?’ Parang lahat po ng mga inisip kong idea, lahat ng pinaglaanan ko ng panahon na ipagbubuti ko ‘tong Wowowee ay nawala, naglaho, nung sinabi sa akin yon. Ang tanong ko sa kanya, ‘Bakit? Ano’ng nangyari?’ ‘Well,’ ang sabi niya, ‘marami pang may ayaw sa ‘yong bumalik ka.’

    “I have to be honest, sasabihin ko lang yung katotohanan. Hindi ho ako naninira at never kong sasabihan ng masama ang ABS dahil nabago ng ABS-CBN ang buhay ko, at malaki ang utang na loob ko kay Mr. [Gabby] Lopez, at sa mga namumuno po ng ABS-CBN. Wala ni isang salita na masama na ginawa sa akin ng ABS. Ang sinasabi ko lang po, yung event na nangyari kung bakit hindi na ako nakabalik sa ABS, sa Wowowee.

    “So, nung sinabi niya sa akin ‘yon, sabi ko, ‘Napakasakit ng ginagawa n’yo sa akin kasi nagsara na tayo, nag-usap na tayo, tapos sasabihin mo sa akin na hindi ako tanggap,’ at marami pa raw e-mails na ayaw pa akong pabalikin.

    “Ngayon, nando’n ho sa harap namin si Jay, ang tanong ko sa kanya: ‘Jay, kamusta ba ratings ng Wowowee? Ano’ng ratings n’yo?’ Umabot na sa single digit—9 percent—ang ratings. ‘Kamusta ang pila n’yo?’ ‘Kuya, wala na pong pumipila, naghahakot na kami ng tao.’ Sabi ko, ‘Linggit, ‘eto ba ang inaayawan ng tao?’

    “Kasi ang punto ko, kung ayaw sa akin ng tao, dapat nag-rate na ng bente mahigit ‘yan. Kasi nung umalis ho ako sa Wowowee, nasa 22 [percent] po ang ratings ng Wowowee… Hindi ko pinagmamayabang na noong nandon ako, e, mataas ang ratings, hindi ho. Ang ibig kong sabihin, ganyan ho kamahal ng publiko, ng buong mundo ang programang ‘yan kasi binibigyan ko ng importansiya ang bawat Pilipino sa programang ‘yan.

    “Doon lang ako nagtataka na after that meeting, iba na ang programa, nagkaroon na ng bagong noontime show.”

    “So, from that time, nagdesisyon na ho ako agad. ‘Eto na ang panahon para magdesisyon ako sa buhay ko. Ang gusto ko lang gawin sa buhay ko, magpasaya araw-araw. Sa sarili ko, kung kaya kong makatulong sa mga kababayan nating kapus-palad, gagawin ko ‘yon. Kung sabi n’yo nag-iba na, mayabang na, never ho akong naging mayabang. Nagiging tooo lang ako sa inyong lahat, ‘yan ho ang katotohanan.”

    So there!
     

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here