Kung ang ating mga kapulisan mismo,
partikular d’yan ang mataas ang ranggo,
na mga heneral na siyang umano
itong may pakana riyan ng kontrabando;
Na ipunupuslit sa mga daungan
natin dito mismo sa’ting kapuluan,
ya’y hangga’t maaga ay marapat lamang
na matutukan ng kinauukulan.
Gaya nitong ngayon ay siyang ‘talk of the town’
ng sambayanan na di lang kilo-kilong
shabu, kundi ‘tons of kilos’ na sa ngayon,
pananagutan ‘yan ‘Bureau of Customs’
Kung saan sa tungki ng ilong’ pa mismo
ng mga Inspector sa naturang ‘Bureau’
nagdaraan pero anong sanhi ito
di naamoy man lang ng mga damuho?
Kung totoo itong napabalita riyan
na mga heneral yata ang tumangan
sa mga papeles para mailabas yan,
ya’y kinakailangang maimbestigahan.
Nang sa gayon itong tunay na may gawa
ng kalokohang ‘yan malaman ng madla
at huwag sa bayan ay ating ikaila
kung sino-sino riyan ang taksil sa bansa.
Kahit sila riyan itong sa PNP
pinakamataas ang tungkulin pati,
kasuhan ng ‘grave abuse of authority,’
kahit kamag-anak siya ni Presidente.
Upang maging aral sa lahat-lahat na
ng nasa gobyerno ang maging parusa
sa lahat ng mga may nagawang sala
sa’ting Inangbayan maging sino sila.
Upang maging aral sa lahat na pati
nitong ang kanyang ‘official capacity
is to protect people, ‘yan hangga’t maari
huwag abusuhin ng nasa ‘line of duty’.
Pagkat bilang pulis, alagad ng batas,
military, airforce at/o hukbong dagat
iisa kayo ng katungkuling dapat
gampanan ‘as defender’ ng Pilipinas;
‘In time of war’ at ang inyong ipagtanggol
ang sambayanan at di kayo riyan itong
ibulid mismo ang kabataan ngayon
sa kamandag ng drogang napapanahon.
Kung saan maaring may katotohanan
itong makirot nga na katotohanan,
na mga ‘high ranking’ pa manding opisyal
ang tila sangkot sa gawang di marangal.
Kaya nga’t kami riyan na tagasiwalat
nang karupukan ng ‘Alagad ng Batas,’
isa-isa naming d’yan binubulalat
sa taongbayan ang kailangang isulat.
Pasensyaan tayo kasabihan nga riyan.
trabaho nga lang at walang personalan;
sakali’t isa ka ring taksil sa Bayan
hangga’t maaga ay iyo nang lubayan!