Na uncontested at nakasisiguro
Nang lubos sa tiyak na pagkapanalo
Pagsapit ng eleksyon sa buwan ng Mayo.
Sa mangilan-ilan na ating kilala
At matagal na rin namang nakasama
Sa NGOs at ibang private sectors pa,
Kabilang si CSFP Mayor EdSa;
Kasama si City Vice Mayor Lazatin,
Na tulad ni EdSa ay uncontested din;
Ya’y patunay lang na sila’y magagaling
Sa pagtupad nila ng takdang tungkulin
Kaya ni wala nang nanganghas tumakbo
Para hangarin pang makuha ang puwesto
Ni Jimmy Lazatin at Edwin Santiago,
Na sadyang matapat sa pangungubyerno.
Ikaw man bang iyan isusugal mo pa
Ang ‘yong pagkatao, panahon at pera
Para kalabanin ang kandidatura
Ng alin man kina Lazatin at EdSa?
Na batid mong sadyang taga-sa-panahon
At pareho manding mga ‘man of action’?
Mamuhunan ka man marahil ng milyons,
Talunan pa rin pag-sapit ng eleksyon!
At itong iba pa na uncontested diyan,
Gaya nina San Luis Mayor Macapagal,
Mylyn G. Pineda-Cayabyab ng Lubao,
Ya’y patunay lang na ang nasasakupan
At mga kalaban n’yan sa pulitika
Ay kuntento na sa pamalakad nila,
Na naa-ayon sa kanilang panlasa
At serbisyong dapat ibigay sa masa.
Lalo’t sa sinumang ang tanging naisin
Sa paghirit n’yan ng pambayang tungkulin
Ay di pangsarili lang nilang mithiin
Kundi ng pang-masa, eh bakit pa natin
Hahangarin silang ibaba sa puwesto
At di na lang muna patapusin ito?
Gayong mahusay at tapat na serbisyo
Ang sa atin laang ipaglingkod nito!
Gaya ng nabanggit nating indibidual
Sa dakong itaas ng ating ‘article,’
Sina Cayabyab at Asiong Macapagal
Ay di pahuhuli sa serbisyong-bayan;
Pagkat katulad din ni EdSa ng Siyudad
Ng San Fernando ay pawang masisipag
Sa pag-ganap ng tungkuling nararapat
Para sa Kabalen sa lahat ng oras.
At ang isa pang di dapat kalimutan,
Pagsapit ng Mayo’t araw ng halalan
Ay dili’t iba ang ‘multi-awarded’ diyan,
Na handang Magsilbi sa distritong tangan;
Na di kailangang tukuyin marahil
Kung sino siya pagkat bawal pang banggitin
Ang pagkakilanlan nitong ‘manok’ natin,
Baka makasuhan ng ‘Electioneering’;
(Kahima’t marami na itong sa TV,
Radio’t pahayagan at posters din pati
Ang may infomercials na at halos daily
Kung maglabas pero excuse lang parati?
Kaya bago pa man tuluyang sumapit
Ang takdang araw ay gumasta nang mahigit
Sa dapat sahurin… kaya ang kapalit
Kapagka nanalo – sa bayan pasakit?!)