Home Opinion ‘Where it belongs?’

‘Where it belongs?’

672
0
SHARE

KUNG ang itinayo nitong bansang China
sa Scarborough Shoal na ‘structures’ nila
at iba pang dito ngayon makikita,
‘yan panahon pa ni PNoy ay gawa na

Samakatuwid ay di si Digong ang dapat
sisihin ng ating ibang mambabatas
na anti-Duterte riyan na katulad
ni Trillanes, kundi ang ‘dilawang tarat’.

Di sa ating kinakampihan si Digong
hinggil sa isyu ng mga itinayong
mga pasilidad ng China, na ngayon
ay sa kanya ang sisi ibinubunton.

Ang lahat ng iyan dinatnan na niya
sa Palasyo nang si PNoy bumaba na;
natural lang na di kaura-urada
maresolba n’yan ang ‘dispute’ na namana.

At kung patuloy man ang mga pagkilos
ng China, di basta niya maiutos
pigilan ang isa sa gawang di ayos
pagkat maaaring humantong sa gusot.

Hangga’t maari ay sa madiplomasya
at mahinahon ding paraan kumbaga
ninanais niyang ‘peaceful’ na makuha
ang nasabing isla nang walang problema.

The issue about the Scarborough Shoal
Where among the claimants it really belong,
Based on records, in fact, a clear indication
That it’s ours has been already proven on.

China claims that it was the Yuan Dynasty
That had discovered it, as reflected in the
Official Chinese map and documents can see,
But that assertion must be established clearly.

And that, includes by clear historic title, too
Under any public international law;
Historical claims are not considered also
As historical title based on this issue.

A claim by itself that includes historical
Could not be a basis for said acquiring ones’
Territory under an international
Law – is discovery by China beforehand.

For a historical claim to mature into
Historical title, a mere showing also
Of long usage of one may not be enough, too
To substantiates a claim under existing law.

There has to be a clear actual demonstration
And continuous display of one’s occupation,
Which the Philippines did consistently thereon
But China has failed to do thereat for so long.

Hintayin nating ang ‘International Court’
itong sa isyung ‘yan tumulong i-resolve,
pagkat hindi natin magawang kumilos
nang walang ‘referee’ para maisa-ayos.

Hindi natin kayang makipagdimaan
sa China para lang natin maitaboy ‘yan,
kung kaya nga’t sa mahinaong paraan
natin sinisikap maisakatuparan.

Patuloy ang ating Pangulong Duterte
sa laban niya hinggil sa isyung nasabi,
kaya di marapat sa kanya isisi
ang mga ‘lapses’ ng dating presidente!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here