Home Opinion ‘What’s next?’

‘What’s next?’

1256
0
SHARE

NGAYONG itong badyet ng pamahalaan
para sa ‘current year,’ na pasado na r’yan
sa Kamara, pero ang Senado naman
ay tutol at ito ay ayaw pirmahan

O ratipikain ng ‘Upper House’ pagkat
‘billions of pesos’ ang biglang ini-akyat
ng ‘national budget’ sa hindi marapat
isingit ng ilang tusong mambabatas.

Kung saan sanhi ng ginawang ‘insertion’
ng Congress nang di lang millions sa proyektong
pagkakitaan n’yan ‘in form of commissions,’
natural lmaang na may aalmang Solons.

Partikular na r’yan si senador Sotto,
na bilang Pangulo ng Senado mismo
ay di basta na lang pipirmahan nito
ang ganyang animo’y may bahid milagro!

Namagitan na nga si Pangulong Digong
para magkasundo ‘yan sa namumuong
alitan, sa ayaw pagpirma nga nitong
si Sotto, na siyang may hawak ng baton

Upang itong budget ng ating gobyerno
para sa pasahod at gastusin nito
sa lahat na, pati sa mga proyekto
na dapat bigyan ng pansin ni Pangulo

Malalagay sa balag ng alanganin
ang pamahalaan sa hindi mabuting
situasyon kapagka ang Senado natin
nagmatigas, sa kung anong dapat sundin.

Kaya sanhi nang pataasan ng ihi
ng di kapanalig at hindi kakampi
ni Pangulo, pati di dapat mauwi
sa pagkabalam ay damay din palagi.

Gayong siya itong pinakamataas
na lider ng bansa – na ang tanging hangad
ay ikabubuti nating lahat-lahat
kaya ginagawa kung ano ang dapat!

So, kung ganyan lang din at di sinusunod
ng ‘Lower’ at saka ng ating ‘Upper House’
ang ano pang maari niyang pag-uutos,
‘What he has to take is an emergency move’

Kasama na r’yan ang ‘Presidential Decree’
‘Executive Order’ at ‘Martial Law’ pati
kung kinakailangan para mapabuti
itong baluktot na mga pangyayari,

Na hayan, anumang gawing pagsisikap
ng administrasyong Duterte, di tanggap
ng mga kontra sa kanyang pamalakad
ang ikabubuti ng bansang Pilipinas.

(Gaya ng ‘war on drugs’ na binabatikos
ngayon ng ‘International Criminal Court,
may karapatan ba itong manhimasok
kung ayaw nating sa kanila pasakop?)

Tayo’y may sariling panuntunang batas
na maka-Diyos, maka-tao rin at ligtas
sa kalupitan at paggamit ng dahas
laban sa tinatawag nating ‘human rights’

Kaya hangga’t walang siyang pagmamalabis
na ginawa bilang isang ‘head of state,’
walang sino pa mang lipi ni Herodes
ang kay Pangulong Digong puedeng umipit!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here