KUNG ang kawalan ng disiplina natin
at di pagsunod d’yan sa ‘social distancing,’
na ipinag-utos ng ating butihing
pangulo kaugnay nitong COVID-19;
Saan sa akala natin yan hahantong
kundi sa lalo pang paglobo nga nitong
bilang ng namatay, na hayan patuloy
ang pagdami bagama’t may ‘total lockdown’;
At bawal lumabas basta ang sinuman
ng wala rin namang mahalagang bagay
na marapat gawin at lubhang kailangan,
kaysa malagay sa panganib ang buhay.
Kaya kung hindi pa riyan makahanap
ng agarang aksyon itong mga pantas
sa syensya, at dalubhasa sa pagtuklas
ng pamatay ‘virus’ patay tayong lahat!
Eh, bakit hindi kung katulad nga riyang
ang higit marami ang siyang pasaway,
kaysa masunurin, madaling atasan
na pumirmi muna sa kanilang bahay;
Kaysa lumabas nga’t posibleng mahawa
sa kung sinong makasalamuha nila,
na positibo r’yan nitong ‘pandemic’ na
klase ng sakit na ‘contagious’ talaga.
Kung saan kaya nga ang ‘social distancing’
ay ipinairal ng gobyerno natin,
yan ay para nito makuhang sagipin
itong possible pang dito maging ‘victim’.
Nang sa gayon nga ay di na dumami pa
ang kasalukuyang d’yan apektado na
nitong COVID-19, at di na rin sila
mag- ‘multiply’ gaya r’yan ng sa Italya;
At ibang bansa sa gawing Kanluran
na maunlad pero ngayo’y mga lubhang
dumaranas nitong hindi matingkalang
hirap ng damdamin sa pangyayaring yan.
Eh, tayo pa kaya itong di daranas
ng ibayo kaysa ngayo’y pasang hirap
nila, sa dahilang tayo’y ubod tigas
nga ng ulo kaya minsan nasisilat.
Simpleng bagay kasi di magawang tupdin
upang ang ‘corona virus’ (COVID-19)
di na makahawa at/o makarating
sa iba pang lugar di mabigyang pansin.
Kaya natural lang na ito’y kakalat
hanggang sa iba pang mga komunidad, ‘And since it’s contagious, then everybody must
Stay home for about 14 days at its start’.
And, if case the total lockdown the President
Had ordered, since the same, I am sure it takes effect
On March 17, and will end on April 12,
But said Order was postponed to another date;
At magtatapos sa katapusan nitong
Abril ang palugit nitong ‘total lockdown,’
aywan lang sanhi r’yan ng utos ni Digong
na dinedma lamang ng iba, ituloy…
Itong nararapat pagtuunang pansin
na ‘enhanced community quarantine,’
ngayon pati na r’yan ang ‘social distancing’
ay binale wala ng marami sa’ tin!
Na di nabawasan yata kundi lalong
lumaki ang bilang sanhi nga r’yan nitong
mga ‘hard headed’ na di masunod itong
simpleng bagay na di mahirap isulong!