Wet performance ni Anne Curtis sa ASAP pinag-initan ng MTRCB

    501
    0
    SHARE

    NAGING usap-usapan ang seksing kasuotan ni Anne Curtis nang sumayaw sa weekly musical variety na ASAP ng ABS-CBN. Ito ay may kaugnayan sa kanyang 28th birthday. Suot niya ang black strapless dress na may mataas na slit sa kanyang wet performance sa awitin ni Rihanna’s hit song na Diamonds.

    Sa true lang, maraming celebrities tulad ni Anne ang sobrang kaseksihan kung magsuot ng damit. Naalarma ang pamunuan ng Movie Television Review and Classification Board para magsagawa ng gender-sensitivity investigation sa palabas nuong Peb. 24.

    Deadma na lang si Anne sa mga batikos na tinatanggap ngayon kaugnay sa kontrobersiyal niyang production number sa ASAP. Nabatid na ang wet performance niya ay inspired sa peformance ni Rihanna sa hit song ‘Diamonds’ bilang bahagi ng birthday celebration ay naging sanhi upang ipa-summon ng Movie Television Review and Classification Board ang mga staff ng programa upang imbestigahan.

    Ayon naman kay Anne, welcome sa kanya ang positive at negative comments. Hindi aniya totoong wala siyang suot na underwear. Sa kanyang instagram account ay ipinakita pa ni Curtis ang larawan ng isinuot niyang tan na tangga swimsuit. Talagang tema niya na ang performance niya na magkaroon ng ilusyon na high slit at na-achieve nila.

    "Hindi maaring wala siyang suot na underwear dahil natuto na umano siya ng leksiyon sa inabot na wardrobe mulfunction nuong 2010 kung saan lumabas ang nipple niya sa suot na swimsuit sa dance number niya sa ASAP na remote telecast sa Boracay.

    "For the people who really are believing it, come on naman, I’ve already had my fair share of wardrobe mulfuntion, so I think we’ve learned from that lesson. But the whole point of that dress was the illusion na super high slit but I was wearing a tangga swimsuit which Boom Sason is known for," aniya ni Anne.
     

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here